Maghahatid ng mga bagong baril, UI changes sa mutliplayer at battle royale, mga bagong legendary operators, mythic blueprints at iba pa ang Call of Duty Mobile sa susunod na season. 

Kasama na dito ang isang bagong Tactical grenade na maaring magamit para magkaroon ng advantage sa laro. 

Tactical grenade na tawag ay Echo Grenade, pwedeng gamitin para makita ang mga players kahit may pader 

CODM tactical grenade
Credit: Activision

Ang bagong Tactical grenade na ito ay perpekto para sa mga stealthy players. Nadiskubre ang Echo Grenade sa test server at isa itong bagong henerasyon ng tactical equipment. 

Gamit ang granadong ito, kayang mahanap ng mga player ang exact na lugar ng kalaban kahit nasa loob ng gusali. Magiging available ang lahat ng enemy positions ng ilang segundo lamang. 

Gumagamit ang Echo Grenade ng sound waves para ma-detect ang lokasyon ng kalaban. 

Dahil sa granadang ito, kailangan na gumamit ng mga Search and Destroy players ng isang trophy system kung ayaw nilang malaman ang kanilang lokasyon. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CODM.