Kung naghahanap ka ng pangmalakasan na submachine gun sa Call of Duty: Warzone, ang bagong TEC-9 loadout ng streamer na si Tyler “TeeP” Polchow ang sagot dyan.

Ang TEC-9 ay ang pinakabagong SMG sa battle royale, kasalukuyan itong unlockable sa Tier 31 ng Season 5 Battle Pass.

Mga detalye ng Season 5 TEC-9 loadout ni TeeP sa Call of Duty: Warzone

Bagama’t semi-automatic ang base weapon, tinodo ni TeeP ang tunay na lakas ng SMG sa pamamagitan ng Full Auto Repeater sa level 46. Medyo may katagalan bago ma-unlock ang muzzle attachment na ito, pero siguradong magiging rapid-fire bullet machine ang TEC-9 dito.

Bukod sa Full Auto Repeater, sinalpakan din ito ni TeeP ng Raider Stock at Salvo 48 Rnd Fast Mag na nagpapabilis ng movement at reload speed.

Ginagamit ng streamer ang loadout bilang close-range finisher. Dahil sa bilis ng reload nito, kaya nyang manalo sa 1v1 duel na may nakahandang mag para sa paparating pang mga kalaban.

Ang pinaka-downside ng TEC-9 ay ang kawalan nito ng suppressor. Kumpara sa mga mas tahimik na options tulad ng MAC-10, pwersado kang mag-commit sa ratratan pag gamit ang Season 5 SMG. Pag lumusob ka sa kalaban, kailangan mong maging alisto para sa mga malapit na kalaban na natimbrehan ng posisyon mo.

CallOfDuty Warzone TeeP TEC-9 Gun Table
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Narito ang detalye ng TEC-9 loadout:

  • Muzzle: Full Auto Repeater
  • Barrel: 4.9″ Task Force
  • Stock: Raider Stock
  • Underbarrel: Bruiser Grip
  • Ammunition: Salvo 48 Rnd Fast Mag

Panoorin kung paano pulbusin ng TEC-9 ni TeeP ang armor plates ng mga kalaban sa kanyang video: