Naghatid ang Modern Warfare 3 at Warzone Season 3 Reloaded ng bagong aftermarket part, ang JAK Revenger Kit.
Ano ang JAK Revenger Kit sa MW3 at Warzone?
Ang JAK Revenger Kit ay isang conversion kit para sa BP50 na ginagawang isang submachine gun ang assault rifle na ‘to.
Nagbibigay ito ng mas mabigat na magazine ammo capacity, mas malakas na vertical recoil control, at mas mabilis na fire rate, aim down sight speed, at movement speed.
Ngunit kapalit ng mga ito ang bullet velocity, range, reload quickness, at horizontal recoil control.
Gamit ang aftermarket part na ‘to, nagiging isang bigating close range fiream ang BP50 na kayang labanan ang mga top SMGs sa meta ngayon.
- Ilang Call of Duty games ang meron sa franchise?
- Modern Warfare 3 “Your profile was signed out error” — pano ito ayusin
Paano ma-unlock ang JAK Revenger Kit
Para makuha ang conversion kit na ‘to, kailangan mong kumpletuhin ang mga challenges sa Modern Warfare 3 at Warzone Season 3.
Ang magandang balita ay kailangan mo lang kumpletuhin ang lima sa 21 na weekly challenges sa Multiplayer, Warzone, at Zombies mode ng laro.
Narito ang kumpletong listahan ng tasks sa bawat mode para ma-unlock ang JAK Revenger Kit para sa BP50 assault rifle:
Below is the full list of tasks in each mode to unlock the JAK Revenger Kit for the BP50 assault rifle:
MULTIPLAYER | WARZONE | ZOMBIES |
Makakuha ng 30 Operator Kills gamit ang alternate ammo | Sa Warzone Urzikstan, magbukas ng 20 loot caches sa North-West region (Resort, Power, Seaport, Cargo) | Sumira ng 25 vehicles gamit ang nirekomendang weapon |
Kumuha ng 20 Operator Hipfire Kills habang gumagalaw gamit ang nirekomendang SMG | Sa Warzone Urzikstan, magbukas ng 20 loot caches sa Southern Region (City, Suburbs, Manor) | Kumuha ng 300 hipfire kills gamit ang nirekomendang SMG |
Kumuha ng 20 Operator Kills habang naka-aim down sights gamit ang nirekomendang suppressed SMG | Sa Warzone Urzikstan, magbukas ng 20 loot caches sa Eastern Region (Military Base o Farms) | Kumuha ng 150 Cryofreeze kills gamit ang nirekomendang SMG |
Kumuha ng 15 Operator Kills habang naka-slide o nasa ere gamit ang nirekomendang weapon | Sa Warzone Urzikstan, magbukas ng 20 loot caches sa Central Region (Old Town, Low Town) | Kumuha ng 750 kills gamit ang nirekomendang Pack-a-Punched SMG |
Kumuha ng 10 Operator Longshot Kills gamit ang nirekomendang assault rifle | Sa Warzone, mag-place sa top 10 ng limang beses | Kumuha ng 300 kills gamit ang nirekomendang assault rifle sa Medium Threat Zone |
Kumuha ng tatlong Operator Kills sa loob ng isang magazine ng sampung beses gamit ang nirekomendang assault rifle | Sa Warzone, kumpletuhin ang 15 contracts | Kumuha ng limang Rapid Kills ng 20 beses gamit ang nirekomendang assault rifle |
Kumuha ng 20 Operator Kills matapos mag-sprint gamit ang nirekomendang assault rifle na may limang attachments | Sa Warzone, kumuha ng 10 Operator Kills o Kill Assist gamit ang nirekomendang weapon | Kumuha ng 250 kills gamit ang nirekomendang assault rifle habang active ang apat na Cola Perks |
Ni-rerekomenda naming kumpletuhin ang mga challenges sa Multiplayer mode para makuha nang mabilisan ang JAK Revenger.
Maglaro rin sa mga Hardcore Quick Play o Small Map Mosh Pit matches para mabilis na matapos ang mga tasks.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa COD.
BASAHIN: Paano mag-pre-register para sa Warzone Mobile sa Android at iOS