Kung nakakatanggap ka ng “your profile was signed out” error sa Modern Warfare 3 at nais mo itong ayusin, basahin ito.



Modern Warfare 3 Your profile was signed out error, ipinaliwanag 

COD MW3 Your Profile Was Signed Out Error
Screenshot ni Hritwik Raj / ONE Esports

Ang multiplayer ng Modern Warfare 3, tulad ng maraming live service games, ay mayroong iilang network-related issues dahil sa kaniyang live service na katangian. Ang iisa sa pinaka-nakakainis ay ang “your profile was signed out” error na kung saan ikaw ay mawawala sa match at mayroong “Quit to Desktop” at “Restart” na options. 

Kapag na-enkwentro mo ang error na ‘to, wala kang magagawa kundi mag-exit sa laro. 

Lumalabas ang error na ‘to dahil sa internet at server issues, na maaring nanggagaling sa’yo, sa developer, o sa platform. Sa tuwing hindi makabuo ng isang connection ang game client sa server, makakatanggap ka ng error na ito. 

Paano ito ayusin sa Modern Warfare 3

COD Modern Warfare 3 Your Profile Was Signed Out
Screenshot ni Hritwik Raj / ONE Esports

Habang wala pang opisyal na pahayag o fix sa error na ito, napansin naming nangyayari ito dahil sa tatlong rason: 

  • Down ang MW3 game servers habang naglalaro ka 
  • Steaam servers restart 
  • Internet connectivity issue 

Habang hindi mo ma-kokontrol ang server ng laro o server restart ng Steam, kapag ikaw ay ma-didisconnect sa MW3, tignan ang server status ng laro at Steam baka sakaling nilalaro mo ito via Steam. 

Comment
byu/perej3 from discussion
inModernWarfareII

Dapat ding tignan ng mga PlayStation at Xbos users kung maayos ba ang online service ng kanilang platform. Kung maayos naman ito, tignan ang iyong internet connection. 

Alalahanin na kahit ma-disconnect ang iyong internet sa loob lamang ng isang segundo, mawawala ka sa laro. Kung naranasan mo na ito, hindi malabong naranasan din ito ng ibang players. 

Comment
byu/perej3 from discussion
inModernWarfareII

Para maayos ang MW3 your profile was signed out error, siguraduhing stable ang iyong connecction at hindi ka gumagamit ng kahit anong VPN na maaring makadulot ng internet connectivity issue. 

Ni-rerekomenda rin naming gumamit ng isang wired connection dahil hindi stable ang Wi-Fi network.  

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa COD. 

BASAHIN: Paano ba gumagana ang Modern Warfare 3 Battle Pass?