Hinahayaan na ng bagong Call of Duty Modern Warfare 3 Season 2 Battle Pass Season ang mga player na makaipon ng iba’t-ibang brand-new in-game skins at weapons sa laro.  

Modern Warfare 3 Battle Pass release date at presyo 

Nilabas ang Season 2 Battle Pass noong 7 Pebrero 2024. Habang available ang base Battle Pass sa lahat ng mga players nang libre at may kasamang 20 free items, maaring i-upgrade ito para sa halagang 1,100 COD Points na may halagang US$9.99. 

COD Modern Warfare 3 Battle Pass
Credit: Activision Blizzard

Maari ring piliin ng mga players ang BlackCell Battle Pass bundle sa halagang US$29.99 na naghahatid ng full access sa Battle Pass at mga adisyonal na eksklusibong rewards tulad ng “John Doe” Operator skin. 

Modern Warfare 3 Battle Pass ipinaliwanag 

Ang Battle Pass na ‘to ay isang multi-Sector Battle Pass na mapa na kailangan mag-unlock ng mga Sectors para maka-unlock ng bagong weapons, Operator skins, weapon Blueprints, at iba pa. Para ma-unlock ang bawat Sector, kailangan mag-redeem ng 5 items sa loob ng Sector para ma-unlock ang mga ito, para makausad sa pag-unlock ng mga sumusunod na Sector. 

Kapag na-unlock na ang lahat ng Sector, makakatanggap ang mga players ng kakaibang Operator skins at iba pang items bilang reward sa pagkumpleto ng Battle Pass. 

Pag-plano ng iyong ruta 

Para sa mga BlackCell Battle Pass owners, may access ka sa dalawang starting point. Isa sa Sector B1, at isa sa BlackCell Sector sa kabilang parte ng mapa, katabi ng Sector B16, B18, at B20. Para naman sa iba, maguumpisa ka lamang sa Sector B1. 

Pag-prioritize ng Sectors 

COD MW3 BP50 Build
Screenshot ni Sean Low/ONE Esports

I-plano na agad ito bago mo i-gastos ang mga naipong Battle Tokens. Kung nais mo lamang makuha ang pinakabagong weapons at naka-unlock na ang BlackCell Sector sa’yo, piliing i-unlock muna ang mga Sector B18, B29, at B19. Magbibigay ito sa’yo ng access sa RAM-9 “Sabertooth” at BP50 “Anguish” Blueprint, na maari mong ma-equip gamit ang 15 Battle Tokens lamang. Ngunit hindi ka makakapasok sa Gunsmith para sa mga ito kung hindi mo pa na-unlock ang ibang Sector. 

Modern Warfare 3 Battle Pass rewards 

Mayroong mahigit isang daan na rewards ang Battle Pass na ‘to na kadalasan ay mga Cosmetics para sa mga Operators at weapons mo, pati na rin ang dalawang panibagong weapons na ipinakilala sa Modern Warfare 3.  

Sa Season 2, nakakita tayo ng panibagong undead-themed cosmetics sa BlackCell upgrade. 

Hanggang kelan magiging available ang Modern Warfare 3 Battle Pass? 

Magtatapos ang Modern Warfare 3 Battle Pass para sa season 2 sa Abril 2024. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa COD. 

BASAHIN: Paano ayusin ang Modern Warfare 3 Travis Rilea error code aka error code 14515