Napakaraming camos sa Call of Duty Modern Warfare 3, tulad ng sikat na Bioluminescent at Royalty Tiger camo. Hindi lang ‘yan, marami rin ang nagnanais makuha ang MW3 Magma camo. 

Nandito kami para turuan ka kung paano makuha ang malupit na skin na ‘to.



Nag-uunahan ang mga tao para sa MW3 Magma camo

CoD MW3 Magma camo
Credit: Activision

Nilabas ang bagong animated camo noong Enero 2024 at talagang excited na ito makuha ng mga fans. 

Kung nais mong makuha ang bagong MW3 Magma camo, maghanda na para mag-grind. Maaring makuha ang Magma animated camo bilang parte ng bagong Vortex event sa CODMAS. 

Habang marami pang ibang rewards at XP ang makukuha ng mga players sa event, ang Magma weapon camo ang final reward ng lahat. 

Narito ang bawat reward at XP na kailangan para ma-unlock ang mga ito: 

  • “The Goat” weapon sticker (9,500 XP) 
  • Double XP token (21,500 XP) 
  • “Through the Smoke” large decal (36,900 XP) 
  • Double weapon XP token (56,350 XP) 
  • “Ghost Fire” charm (81,100 XP) 
  • “Skull Fire” large decal (112,450 XP) 
  • “Volcanic” emblem (152,300,000 XP) 
  • “A Little Rusty” calling card (202,950 XP) 
  • Double battle pass XP token (267,200 XP) 
  • “Winged Fire” weapon sticker (348,900 XP) 
  • Double XP token (452,550 XP) 
  • “Forged in Flames” calling card (584,250 XP) 
  • “Putrid Skulls” weapon sticker (751,500 XP) 
  • Double weapon XP token (963,950 XP) 
  • “Magma” weapon camo (1,233,700 XP) 

Kailangan mo ng 1,233,700 XP para makuha ang MW3 Magma camo. Ipunin mo na ang iyong mga double XP tokens, dahil sigurado kaming gagamitin mo ito rito. 

‘Wag kang mag-alala, mayroon ka pa hanggang Enero 17 bago matapos ang MW3 Vortex event, kaya mag-grind na! 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Call of Duty. 

BASAHIN: Kailan babalik ang Rebirth Island sa Warzone?