Matapos ang launch ng Season 1, nakatanggap ang Warzone ng kaniyang Modern Warfare 3 update, ngunit wala dito ang Rebirth Island sa menu.

Dahil sa matagal na pagkawala nito, tinatanong na ng mga fans kung kailan kaya ito babalik sa battle royale.



Kailan babalik ang Rebirth sa WZ? 

CoD Warzone Resurgence Rebirth Island
Credit: Activision

Matapos tanggalin noong Nobyembre 16, 2022, mahigit isang taon ng wala ang sikat na Resurgence game mode na ‘to. Tinanggal ito kasabay ang launch ng WZ2, at marami ang nagulat sa desisyong ito. 

Naghahatid ang Resurgence ng mas mabilis na battle royale-style mode kung saan maglalaban-laban ang mga players sa isang mas maliit na mapa na mayroong respawn. Kasalukuyang maari pa ring malaro ng mga players ang Resurgence via Vondel at Ashika Island, ngunit iilan pa rin ang nangungulila sa Rebirth Island. 

So kailan nga ba ito babalik sa WZ? Sa kasamaang-palad, wala pa itong set date. Sinabi lamang ng Activision na asahan nating magbabalik ito sa unang parte ng 2024.

Nasa Season 1 na tayo, at ang mga detalye ng Season 1 Reloaded update ay walang sinabing pagbabalik ng Rebirth, kaya hindi pa ito lalabas kasabay nito. 

Umaasa ang lahat na lalabas ito sa Season 2 ng MW3, ngunit isa ring posibilidad ang Season 2 Reloaded o Season 3. Kung susundan natin ang standard timetable, lalabas ang Season 3 dalawang buwan matapos ang Season 2, na inaasahang lalabas sa Pebrero. 

Maaring ibig sabihin nito ay makikita na natin ang mapa sa Abril. Hindi klaro kung ano ang magiging ibig sabihin nito para sa dalawang mapa na Vondel at Ashika Island.  

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Call of Duty.

BASAHIN: Kailan lalabas ang Modern Warfare 3 Warzone? Release date at iba pa