Playable na ang Call of Duty Modern Warfare 3, ngunit naghihintay pa rin ang mga fans sa updated battle royale version ng laro.

Sikat na search ng mga players ang kung kailan lalabas ang Modern Warfare 3 Warzone, dahil marami na ang nag-aantay maranasan ang bagong mapa na Urzikstan.



Kailan ang labas ng Modern Warfare 3 Warzone? 

CoD Modern Warfare 3 Warzone Urzikstan
Screenshot ni Steven Cropley/ONE Esports

Kasama ang bagong mapa sa Ashika Island at Vondel sa mga Warzone maps, ngunit ang dalawang ‘yon ay mas maliit sa rotation.

Kung kailan man lalabas ang Modern Warfare 3 Warzone, kasabay ito ng Modern Warfare 3 Warzone Season 1 update, na nakalaang mag-launch sa December 6, ayon sa opisyal na Call of Duty newsletter

Hindi lamang maghahatid ng bagong mapa ang Warzone update kundi pati na rin ang mga updated gameplay mechanics para mas magkaisa ito sa multiplayer at Zombies portion ng laro. 

Ito ang mga kasama sa MW3 Warzone update:

11 major points-of-interest

  • Levin Resort 
  • Popov Power 
  • Orlov Military Base 
  • Seaport District 
  • Urzikstan Cargo 
  • Old Town 
  • Low Town 
  • Hadiqa Farms 
  • Zaravan City 
  • Zaravan Suburbs 
  • Shahin Manor 
  • Gameplay update – Bagong movement mechanics tulad ng slide canceling at Tac Stance 
  • Travel methods – Zip lines at drivable train sa MW3 Warzone 
  • Mas magandang experience sa paglipat sa MW3 MP at Warzone 

Habang hindi ito paglipat mula sa Warzone 1 patungong Warzone 2, magiging exciting pa rin maglaro sa bagong mapa kasama ang mga bagong mechanics at features. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Call of Duty.

BASAHIN: Paano ayusin ang Modern Warfare 3 Travis Rilea error code aka error code 14515