Ang Call of Duty Warzone ang go-to game pagdating sa pagbonding kasama ang tropa, ngunit ano ang mangyayari kapag nawala ang isa sainyo?

Hinarap ito ng streamer na si Timothy “TimTheTatman” Betar noong na-ban sa Twitch ang kaniyang kaibigan at partner sa CoD na si Herschel “Dr DisRespect” Beahm IV noong 2020.

Maliban sa pagtanggal sa kaniyang channel, si Doc ay bawal din lumabas sa kahit anong Twitch stream, at dahil diyan naputol ang katawa-tawang commentaries at intense gunplay ng duo na ito.

Ang pagalis ni TimTheTatman sa Twitch at pagsali sa YouTube Gaming bilang isang exclusive streamer
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Isang taon matapos ang biglang pagalis ni Doc sa Twitch, naglakas loob si TimTheTatman na mag-sign sa YouTube Gaming bilang isang exclusive na streamer.

Sa announcement video, tinanggap ng CoD personality at YouTube streamer na si Jack “CouRageJD” Dunlop si Tim sa bagong platform.

Nabuksan nito ang pinto sa posibleng reunion nina Dr DisRespect at TimTheTatman, at syempre, nangyari ito sa pinaka-unang YouTube stream ni Timmy. 

Nasa loob ng iisang Warzone lobby si DisRespect at TimTheTatman matapos ang isang taon

Bago pa nag-transition si Tim patungong YouTube Gaming, laging sinasabi ng dalawang streamers na ito kung gaano nila na-miss ang paglalaro kasama ang isa’t-isa.

Habang nabanggit ni Timmy na sa TV na lang niya nakikita si Doc kaysa sa kaniyang lobby, pabirong tinanong ni Doc ang viewers niya kung nagkaroon na ba ng progreso si Tim sa Warzone.

Ngayon na nasa iisang platform na sila, nagkita muli ang duo sa unang stream ni Tim kasama sina Benjamin “DrLupo” Lupo at CouRage. Sa simula pa lang, puro congratulations ang narinig mula kay DisRespect para kay TimTheTatman at DrLupo sa kanilang desisyon lumipat sa mula sa Twitch patungong YouTube.

Natapos ang reunion sa isang matinding Warzone victory, kung saan nanguna si TimTheTatman sa squad rankings sa kaniyang 17 kills.

Ano ang susunod para sa iconic na Call of Duty Warzone duo na ito?
Credit: Dr DisRespect

Kahit na isang linggo pa lamang ang nakalipas mula noong nagkita sila muli, grabe na ang hatak ng dalawa sa YouTube. Kamakailan lamang, nag-host si Tim at Doc ng isang US$50,000 Warzone tournament kasama si Zack “ZLaner” Lane

Pwede mong mapanood ang mga future collaborations nila sa YouTube channels ni Dr DisRespect at TimTheTatman.

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights sa CoD.