Kung ikaw ay naglalaro ng Season 3 ng Call of Duty: Warzone, maaring napansin mo ang bagong multi-level structure na ang tawag ay Grid Radar Array sa hilaga ng Stadium.

Maliban sa ito ay isang bagong landmark na makikita kahit saan sa mapa, ang Radar Array ay pwedeng magamit bilang isang perpektong vantage point para makapunta sa mga key locations ng laro.

Pwede kang pumunta sa Grid Radar Array gamit ang rapelling rope, dalawang ladders at dalawang gantries. Ngunit, dadalhin ka lang ng mga ito sa gitna ng complex.

Kung gusto mong makarating sa tuktok ng Array, kailangan mong mag-cat jumps galing sa pinakamataas na gantry papunta sa metal framing ng landmark. 

Pag ikaw ay nakalad na papunta sa cylindrical na transmitter cages at nakapasok sa isa sa mga maraming cage towers, kailangan mong akyatin ang mga central interior beams.

Alalahanin mo na kailangan mong mahawakan ang upper beam para mag-register ang akyat mo, dahil kung hindi, ikaw ay mahuhulog lamang sa cage tower. 

Pag ikaw ay nakarating na sa final set ng beams, maari mo nang puntahan ang transmitter cages sa tuktok at enjoyin ang napakagandang view ng Stadium at South at Central Verdansk.

Panoorin ang full tutorial dito: