Dumating na Warzone 2.0 noong November 16, at ibig sabihin niyan ay dapat handa ka na sa mga tamang armas, attachments, at loadouts mo.  

Di tulad ng 6v6 multiplayer modes, ang battle royale ng Call of Duty na ito ay mayroong mas matagal na time-to-kill at mas malawak na battlefield. Habang ang mga bagay tulad ng damage range at bullet velocity ay hindi masiyadong epekto sa mga mas maliit na core maps, magagamit mo ang mga ito sa Al Mazrah, ang panibagong Warzone map.  

Kung ikaw ay nag-le-leveling ng mga armas mo sa Warzone, ito ang mga pinakamagandang baril na dapat mong I-max out muna.  

5 best guns para I-max out sa Warzone 2.0  

Kastov-74U 

COD Warzone 2.0 Kastov-74U
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Sa sobrang ganda ng Kastov-74U, na-ban na ito ng Call of Duty League sa paraan ng isang Gentleman’s Agreement. Sa kaniyang time-to-kill na 184ms at hanggang 21 meters sa multiplayer, pinaghalo nito ang pitik ng isang SMG sa isang range ng assault rifle.  

Nakakamatay ito sa close hanggang mid-range – perpekto ito kung agresibo ka maglaro at mahilig ka sa gun fights. Ang kaniyang madaling handling at mahusay na mobility ay maari pang mapaganda lalo gamit ang mga attachments para maging isang halimaw na baril sa Warzone 2.0.  

Best loadout 

SLOT ATTACHMENT 
Stock Markeev R7 Stock 
Muzzle Echoless-80 
Rear Grip True-Tac Grip 
Underbarrel Bruen Sync Shot Grip 
Laser FSS OLE-V Laser 

How to unlock 

  1. Kamitin ang military rank 23 para ma-unlock ang Kastov 762. 
  1. I-level ang Kastov 762 sa level 10 para ma-unlock ang Kastov 545. 
  1. I-level ang Kastov 545 sa level 13 para ma-unlock ang Kastov-74U. 
     

Kastov 762 

COD Warzone 2.0 Kastov 762
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Ang Kastov 762 ang isa sa pinakamagandang baril sa multiplayer, at totoo rin ito para sa Warzone 2.0. Sa kaniyang napaka-kompetitib na time-to-kill na 200ms pataas hanggang 45 meters sa multiplayer, matinik ang baril na ito sa mid-range at kahit na tuwing kalaban ang mga snipers sa Warzone 2.0.  

Medyo mataas ang recoil nito kumpara sa ibang assault rifles tulad ng M4, ngunit maari itong mahigpitan gamit ang tamang attachments.  

Best loadout 

SLOT ATTACHMENT 
Optic Cronen Mini Pro 
Barrel KAS-10 584mm Barrel 
Muzzle Tempus GH50 
Underbarrel FSS Sharkfin 90 
Laser Schlager Peq Box IV 

How to unlock 

  1. Kamitin ang military rank 23 para ma-unlock ang Kastov 762.  
     

RAAL MG 

COD Warzone 2.0 RAAL MG
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Ang RAAL MG ang pinakamagandang LMG sa multiplayer, at mukhang magpapatuloy ito ng kaniyang paghahari sa Al Mazrah ng Warzone 2.0. Kahit na mas mabagal ang aim down sights speed ng LMG na ito, mabigat ang suntok ng baril na ‘to.  

Mayroon itong 2-shot potential sa multiplayer – at habang hindi ito madadala sa Warzone 2.0, makapagbibigay ito ng ideya kung gaano ito kabigatin na baril.  

Sa kaniyang madaling ma-kontrol na recoil at ang isang napakalaking 75-round magazine, mapatutumba mo ang mga squads gamit ang baril na ito. Mahusay rin ang range nito kahit na ginagamit sa malayo.  

Best loadout 

SLOT ATTACHMENT 
Optic Schlager 4X 
Barrel 21″ EXF Rhino Barrel 
Muzzle Bruen Agent 90 
Stock FSS Riot Stock 
Rear Grip Stip-40 Grip 

How to unlock 

  1. Kamitin ang military rank 25 para ma-unlock ang RAAL MG.  

Lachmann Sub 

COD Warzone 2.0 Lachmann Sub
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Ang bersiyon ng laro ng MP5 ay ang best SMG ng laro, lalong-lalo na sa close range.  

Ngunit dahil walang kasiguraduhan ng isang close-quarter engagements sa Warzone 2.0, maari mo na lamang lagyan ito ng mga attachments para mas mapaganda ang range niya.  

Best loadout 

SLOT ATTACHMENT 
Barrel FTAC M-Sub 12″ 
Muzzle XTEN RR-40 
Magazine 40 Round Mag 
Stock FT Mobile Stock 
Laser VLK LZR 7MW 

How to unlock 

  1. Kamitin ang military rank 16 para ma-unlock ang Lachmann-762 battle rifle. 
  1. I-level ang Lachmann-762 sa level 13 para ma-unlock ang Lachmann-5566 assault rifle. 
  1. I-level ang Lachmann-556 sa level 12 para ma-unlock ang Lachmann Sub.  

SP-X 80 

COD Warzone 2.0 SP-X 80
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Ang SP-X 80 ang pinakamabilis at maliksi na sniper ng laro. Kung gusto mong ipaghalo ang one-shit kill potential na gusto mo at mga close-range frags, ito ang baril na para sa’yo.  

Best loadout 

SLOT ATTACHMENT 
Muzzle Bruen Agent 90 
Stock PVZ-890 Tac Stock 
Rear Grip Schlager Match Grip 
Bolt FSS ST87 Bolt 
Laser Schlager Peq Box IV 

How to unlock 

  1. Kamitin ang military rank 7 para ma-unlock ang SP-R 208 marksman rifle. 
  1. I-level ang SP-R 208 sa level 13 para ma-unlock ang SA-B 50 marksman rifle. 
  1. I-level ang SA-B 50 sa level 16 para ma-unlock ang LA-B 330 sniper rifle. 
  1. I-level ang LA-B 330 sa level 17 para ma-unlock ang SP-X 80.