Bagong PP19 Bizon class loadout ang ginagamit ngayon ng FaZe Clan streamer na si Kris” Swagg” Lamberson sa Call of Duty: Warzone.
Matatandaang staple pick sa Call of Duty: Modern Warfare ang nasabing baril (na binabansagang Submachine Gun Echo), pero naungusan ito ng mas magagandang SMGs pagdating sa Verdansk.
Pero dahil naglatag ang mga developer ng bagong patch sa Season 4 upang balansihin ang meta ng mga baril, bahagyang na-nerf ang maximum damage output ng mga SMG class pati na rin ang damage multipliers nito.
Ang mga detalye sa PP19 Bizon class ni Swagg sa Call of Duty: Warzone
Ginagamit ni Swagg ang PP19 Bizon bilang close-to-mid range na baril, kasama ng FARA 83 assault rifle.
Ginagamitan ng streamer ang kanyang baril ng Monolithic Suppresor at 9.7” steel barrel upang mapalayo ang range ng baril. Walang stock ang kanyang PP19 Bizon, pero merong Tac Laser upang mapabilis ang aim-down sight speed nito.
84 ang balang karga ng kanyang magazine kaya naman hindi nangangamba ang streamer sa pagre-reload kahit matagal-tagal siyang mag-spray.
Sa kanyang video, makikita ang tagumpay ni Swagg gamit ang PP19 Bizon. Hinirang siya bilang top scorer ng kanyang squad matapos magtala ng 30 kills at maglapat ng 10,446 damage.

Ito ang kumpletong detalye ng PP19 Bizon class:
- Muzzle: Monolithic Suppressor
- Barrel: 8.7″ Steel
- Laser: Tac Laser
- Stock: No Stock
- Ammunition: 84 Round Helical Mags
Mapapanood sa video na ito kung paano gamitin ng FaZe Clan streamer ang kanyang PP19 Bizon class: