Ngayong nasa ilalim na ng control ni Stitch ang Verdansk, maasahan ng mga operators ang bagong batch ng weapons sa Call of Duty Warzone Season 5 para tulungang sugpuin ang brainwashing broadcast ni Perseus.
Heto ang lahat ng kailangan niyong malaman tungkol sa mga bagong weapons sa Warzone Season 5.
Mga detalye tungkol sa mga bagong weapons sa Warzone Season 5
EM2 (Assault Rifle)

Solidong adisyon sa AR class ang EM2 na isang fully-automatic weapon na may kasamang built-in low-zoom optic.
Dahil sa libreng optic, mabubuksan nito ang isa pang attachment slot na maaaring gamitin para sa mas malaking magazine o mas magandang muzzle.
Kahit pa mas mabagal ang fire rate nito, swabe ang ME2 para sa mga operator na mahilig sa longshots.
Bilang ang C58 ay ang paboritong AR noong Season 4, inaasahang mas magiging popular ang EM2 sa lahat ng mga weapons sa Warzone Season 5.
Maaaring ma-unlock ang EM2 ng libre sa Tier 15 ng Warzone Season 5 Battle Pass.
TEC-9 (Submachine gun)

Magandang choice ang TEC-9 para sa mga mahilig sa SMG. Malayo ito sa nakagisnang SMG gunplay dahil sa semi-auto firing ng nasabing baril. Kaya naman swabe parin ang paggalaw ng TEC-9 users kahit bumabaril ng medium-range shots.
Maaaring ma-unlock ang TEC-9 ng libre sa Tier 31 naman ng Warzone Season 5 Battle Pass.
Marshal (Secondary)

Sa lahat ng mga bagong weapons sa Warzone Season 5, ang Marshal ang isa sa mga pinaka-maaasahang choice para sa instant kills.
Isang break-action pistol ang Marshal. Kargado ito ng dalawang 12-gauge shells na kung gagamitin sa tamang timing ay epektibong baril para ma-clear ang corners at pataubin ang mga kalaban gamit ang isang tira.
Para ma-unlock ang base Marshal sa pamamagitan ng pagkumpleto sa in-game challenge na lalabas ngayong season.
Cane (Melee weapon)

Malaki ang maiaambag ng Cane sa mga gunfights na magaganap lalo na kontra sa mga pesteng camper. Tiklupin ang mga tusong camper sa isang hampas gamit ng weapon na ito.
I-unlock ang base Cane sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isa pang in-game challenge na lalabas ngayong season.
Magsisimula ang Call of Duty Warzone Season 5 ngayong August 12.
Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga weapons sa Warzone Season 5, maaaring sumangguni sa blog post ng Call of Duty Warzone Season 5.