Nagbigay si Ukrainian Counter Strike: Global Offensive (CS:GO) legend at Natus Vincere star player Oleksandr “s1mple” Kostyliev ng 1 milyon UAH (Ukrainian hryvnia), na aabot sa mahigit US$33,000 o P1.7 milyon, sa Ukrainian army para matulungan ito sa giyera kontra Russia.
Ginawa ito ni s1mple matapos 3rd-4th place finish ng kanyan koponan na Natus Vincere sa Intel Extreme Masters Katowice 2022 kung saan nakakuha sila ng US$80,000 o higit P4 milyon na prize money.
Kung tutuusin, binigay ng tinuturing na CS:GO GOAT (greatest of all time) ang lahat ng parte niya sa prize winnings at dinagdagan pa ito.
NAVI s1mple nanawagan ng kapayapaan sa IEM Katowice 2022

Noong ika-24 ng Pebrero, inanunsyo ni Russian president Vladimir Putin ang isang “special military operation” laban sa Ukraine matapos ang ilang buwan na buildup sa border ng dalawang bansa. Kinondena ng napakaraming bansa ang aksyong ito ng Russia na kinabibilangan ng shelling sa esidential areas kung saan may mga sibilyan.
Habang nasa stage sa IEM Katowice na ginanap sa Spodek Arena sa Poland, naghatid ng emosyonal na speech si s1mple at nanawagan para sa kapayapaan sa Ukraine at sa buong mundo.
“All of us want peace for Ukraine and the whole world,” wika ng 19-time HLTV MVP awardee.
“All of us need to show an example in this tournament for the whole world. We all need to stay human first,” dagdag pa ng PGL Major Stockholm 2021 at Intel Grand Slam champion.
Naglabas din ng matibay na pahayag patungkol sa Ukraine-Russia war ang kinabibilangang esports organization ni s1mple na NAVI.
“Our main goal right now is to try to stay calm and take care of ourselves, our loved ones, and those who need help,” sabi ng NAVI sa statement nito.
May ibang esports orgs din ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa Ukraine tulad ng Ninjas in Pyjamas, Astralis at 100 Thieves na pinalitan ang kanilang social media profile pictures na nagre-reflect ng asul at dilaw na kulay ng Ukrainian flag.
Basahin ang orihinal na artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.