Isang panibagong Dungeons and Dragons na movie ang lalabas na sa mga sinehan sa susunod na taon, at makikita mong nagtutugtog ng lute si Chris Pine. 

Naglabas na ang Paramount Pictures ng opisyal na trailer ng Dungeons and Dragons Honor Among Thieves, isang reboot ng table-top RPG-inspired film series. Ang paparating na pelikula ay nakatakda sa Forgotten Reals campaign at dito makikita natin sa totoong buhay ang iconic na D&D na mga nilalang tulad ng owlbears at mimics. 

Ito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa bagong Dungeons and Dragons movie, kasama ang kaniyang mga cast, characters, trailer at release date.  

Dungeons and Dragons Honor Among Thieves cast at characters 

  • Chris Pine bilang Elgin, isang Bard 
  • Michelle Rodriguez bilang Holga, isang Barbarian 
  • Regé-Jean Page bilang Xenk, isang Paladin 
  • Justice Smith bilang Simon, isang Sorcerer 
  • Sophia Lillis bilang Doric, isang Druid 
  • Hugh Grant bilang Forge Fletcher, isang Rogue 
  • Jason Wong bilang Dralas 

(To be updated) 

Chris Pine bilang Elgin 

Dungeons and Dragons Honor Among Thieves
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Bibida si Chris Pine bilang ang matapang na bard na si Elgin sa bagong Dungeons and Dragons na movie. 

Hindi na bago sa aktor ang pagpanggap ng mga debonair characters. Dati na niyang ginampanan si James T. Kirk sa Star Trek reboot films at ang sundaong si Steve Trevor sa Wonder Woman film series. 

Michelle Rodriguez bilag Holga 

Dungeons and Dragons Honor Among Thieves Michelle Rodriguez
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Nagpahinga muna si Michelle Rodriguez sa pagmamaneho ng mga supercars sa Fast & Furious saga, dahil naging isang mandirigma na siyang si Holga, isang barbarian. 

Regé-Jean Page bilang Xenk 

Dungeons and Dragons Honor Among Thieves Xenk
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Sumama sa party ang British na aktor na si Regé-Jean Page ng Bridgerton bilang si Xenk, isang paladin. 

Justice Smith bilang Simon 

Dungeons and Dragons Honor Among Thieves Simon
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Matapos labanan si Pokemon sa Detective Pikachu at magligtas ng mga dinosaurs sa Jurassic World film series, papasok na sa mundo ng D&D si Justice Smith bilang batang sorcerer na si Simon. 

Sophia Lillis bilang Doric 

Dungeons and Dragons Honor Among Thieves Doric
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Gaganapin ng American na aktres na si Sophia Lillis si Doric, isang makapangyarihan na druid na kayang mag-ibang anyo tulad ng isang owlbear. 

Nagkaroon ng supporting role si Lillis bilang Beverly Marsh sa two-part film adaptaion ng It (2017 at 2019) at bumida rin sa Netflix series na I Am Not Okay With This.  

Hugh Grant bilang Forge Fletcher 

Dungeons and Dragons Honor Among Thieves Forge Fletcher
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

‘Wag kang magpapauto sa ngiti at kumikinang na buhok ni Hugh Grant. Ang heartthrob ng Notting Hill ay isa nang rogue na si Forge Fletcher. 

Jason Wong bilang Dralas 

Dungeons and Dragons Honor Among Thieves Dralas
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Sumali sa cast si Jason Wong bilang si Dralas, isang matapang na swordsman na may hawak na espadang kinakain ng berdeng apoy. 

Kilala si Wong sa kaniyang recurring role sa mga British na TV show stulad ng Silent Witness at Strangers. 

Release date ng Dungeons and Dragons Honor Among Thieves 

Nakatakdang lumabas ang Dungeons and Dragons Honor Among Thieves sa isang theatrical release sa March 3, 2023. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita at storya tungkol sa kultura