Pagsasamahin ng NBA power forward na si Zion Williamson ang mundo ng anime at athletic wear sa kaniyang paparating na Air Jordan x Naruto collaboration. 

Isang malaking fan ng dalawa, nakahanap ng inspirasyon ang New Orleans Pelicans player sa mga storya nina Michael Jordan at Naruto para malagpasan niya ang mga pagsubok ng kaniyang sariling buhay. Ginamit pa nga ng basketball prodigy ang hashtag na #BelieveIt, ang signature motto ng bida na si Naruto Uzumaki, sa kaniyang mga tweets bago maging pinakaunang overall pick sa 2019 NBA draft. 

Kumuha ng inspirasyon ang Jordan x Naturo collection ni Zion Williamson sa jonin at Sage of Six Paths 

Magkakaroon ang Jordan x Naruto collection ng mga character-inspired na disenyo sa Zio 1, ang signatuer Air Jordan shoe ni Williamson. Sa ngayon, ibinunyag ng mga leaks na magkakaroon ng tatlong sneakers base sa The Sage of Six Paths, Nine-Tails, at sa jonin uniform. 

May dalawang color schemes ang Sage of Six Paths na base as pinakasikat na users ng senjutsu. Ang matingkad na orange variant ay magbibigay pansin kay Naruto mismo, habang ang black at white variant ay isang pagpupugay kay Hagoromo Otsutsuki, ang orihinal na Sage of the Six Paths. 

Para sa mga fans ng prestihiyosong Hidden Leaf Village, maari mong I-upgrade ang iyong everyday look gamit ang Zion 1 Jonin. Ang disenyong ito ay nakikibahagi sa mga kulay ng classic leaf-green jonin uniform, at may pinapakita pa itong Uzumaki symbol sa mga dila at sa kanang gilid sa lagayan ng suwelas. Ito ay isang must-have para sa mga diehard Kakashi stans. 

Kasama sa Jordan x Naruto collection ang mga iconic outfits ni Naruto na may isang athleisure twist, tulad ng sa Six Paths Sage na long sleeve shirt at ang Shippuden tracksuit. 

Para sa mas orihinal na disenyo, ang putting Naruto shirt ni Zion ay isang top choice sa koleksyon, dahil pinapakita nito ang kinabukasan ng Hokage na gumagawa ng between-the-legs dunk na may Rasengan. 

Tinuksong magkakaroon ng May release ang Jordan Zion 1 x Naruto collection. Maari mong tignan ang opisyal na Twitter account ni Zion para sa mga opisyal na updates. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang anime news at istorya.