Alam na natin ngayon ang itsura ng isang zombie sa totoong buhay dahil sa live adaptation ng Last of Us HBO TV series. 

Ang patok na video game series ng Naughty Dog na The Last of Us ay magkakaroon na ng isang television adaptation na eere sa HBO. Susundan ng serye na ito ang iconic duo na sina Joel at Ellie sa kanilang paglakbay sa isang post-apocalyptic United States.  

Ito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa Last of Us HBO TV series, kasama ang kaniyang storya, release date, at cast.  

Tungkol saan ba ang Last of Us? 

Ang Last of Us ay isang action-adventure game series na dinevelop ng Naughty Dog at pinublish ng Sony Computer Entertainment. 

Ang bida na si Joel ay inatasan na samahan ang isang teenage girl na si Ellie sa US. Nilabanan ng duo ang mga iba’t-ibang kalaban sa kanilang paglalakbay, tulad ng isang milita group na Fireflies at mga cannibalistic na creatures na nahawaan ng isang mutated fungus. 

Kasama sa HBO series na ito ang iilang mga pangalan na mula sa orihinal na development ng laro. Ang creative director at writer na si Neil Druckmann ang magiging co-writer ng unang season kasama si Craig Mazin na kilala sa kaniyang mini-serye na Chernobyl. Ang composer na si Gustavo Santaolalla ang naataasan sa score ng pelikula. 

Kinumpirma ng HBO na si Kantemir Balagov ang magiging direktor ng pilot episode.  

Maliban sa pagkuha ng mga pamilyar na characters mula sa laro, magdaragdag din ng dalawang panibagong characters ang HBO, sina Marlon at Florence.  

Release date ng Last of Us HBO TV Series 

Nakalaan para sa isang 2023 release ang serye sa HBO. 10 episodes ang magiging laman ng unang season.  

(To be updated) 

Characters at cast ng Last of Us 

Ito ang kumpletong listahan ng lahat ng mga characters at acting cast ng Last of Us HBO TV Series: 

CHARACTER ACTOR/ACTRESS 
Joel Pedro Pascal 
Ellie Bella Ramsey 
Tommy Gabriel Luna 
Marlene Merle Dandridge 
Tess Anna Torv 
Sarah Nico Parker 
Frank Murray BArtlett 
Bill Nick Offerman 
Riley Abel Storm Reid 
Perry Jeffrey Pierce 
Henry Lamar Johnson 
Sam Keivonn Woodard 
Marlon Graham Greene 
Florence Elaine Miles 
Kathleen Melanie Lynsky 
Troy Baker TBA 
Ashley Johnson TBA 

(To be updated) 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook at Twitter para sa karagdagang balita at storya tungkol sa kultura.