Inilabas na sa wakas ang pinakahihintay na Arcana ni Spectre sa 2021 Dota 2 Battle Pass, kasabay ang Davion of Dragon Hold persona ni Dragon Knight at bagong event game na Nemestice.
Anong meron sa bagong Dota 2 Battle Pass?

Bukod sa nabanggit na Spectre Arcana, na nanalo sa Arcana Vote noong nakaraang Battle Pass para sa The International 10, at DK Persona, na hango sa Dota 2 anime na Dragon’s Blood, siksik din sa mga features at exclusive in-game items ang bagong Dota 2 Battle Pass.
Phantom Advent Arcana bundle

Bagong model, loadout pedestal, custom animations, attack sound, at ambient effects, ang iilan sa mga features ng bagong Arcana bundle ni Spectre.
May special effects at custom hero assets din ang kanyang Spectral Dagger, Dispersion, Desolate, at Haunt, bukod pa sa custom death, at special item effects para sa Radiance at Blade Mail.

Katulad ng ibang Arcana, may alternate style din ang Phantom Advent—ang Phantom Ascension style. Kailangan lang maka-Mega Kill sa 100 unique games para ma-unlock ito.
Makukuha ang Phantom Advent Arcana bundle sa Level 330 ng Dota 2 Battle Pass.
Dragon Knight Persona

Opisyal na dinala ni Valve ang Dragon’s Blood version ni Dragon Knight sa Dota 2.
Ang Davion of Dragon Hold Dragon Knight Persona ay kinumpleto rin ng mga kagamitan niya sa palabas katulad ng kanyang Broken Sword, Helm, at Pauldrons.

Makukuha ang base model ng Dragon Knight Persona sa Level 195 ng Dota 2 Battle Pass.
Dark Artistry Throwback

Kung na-miss mo ang pagkakataon na makuha ang Acolyte of the Lost Arts Persona ni Invoker noong The International 2019, hindi mo na dapat pang palagpasin ito.
Bukod kasi sa naunang Persona, dinagdag din ni Valve ang full item set ng Dark Artistry para sa mga makakaabot sa Level 275.
Samantala, upgraded sa Exalted quality naman ang mga mayroon nang Acolyte of the Lost Arts. May bago ring voice pack para sa mga luma at bagong owners ng persona.
Paano makuha ang mga bundles at rewards?

Katulad ng mga naunang Battle Pass, kailangang ipa-level up ito para ma-unlock ang mga rewards. Maaring makakuha ng points sa paglalaro, pagkumpleto ng Weekly Quests, at pag-grind sa Cavern Crawl, bukod sa iba pa.
May mga bagong Immortal Treasures din, exclusive sets para kina Lina, Phantom Assassin, at Dark Willow, sprays, chat wheels, at iba pa.
Immortal Treasures
- Primal Peacemaker para sa Wild Axe ni Beastmaster
- Gloombob para sa Bedlam at Terrorize ni Dark Willow
- Vise of Creation para sa Earth Splitter ni Elder Titan
- Harborblossom para sa Nature’s Attendants ni Enchantress
- Mask of Metira/Golden Mask of Metira para sa Moonlight Shadow ni Mirana
- Deepshock Destroyer/Golden Deepshock Destroyer para sa Ravage ni Tidehunter
- Shatterblast Rule para sa Chilling Touch ni Ancient Apparition
- Hidden Vector Bundle na may kasamang Astral Step effects para kay Void Spirit
- Nemestice Emblem
Ang 2021 Dota 2 Battle Pass ay maaaring bilhin sa mga sumusunod na presyo:
- Level 1 for ₱360.00
- Level 50 for ₱1300.00
- Level 100 for ₱2000.00
Hindi lang ito ang magiging Battle Pass para sa Dota 2 ngayong taon, dahil magkakaroon ng isa pa ayon kay Wykrhm Reddy.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Nemestice at 2021 Dota 2 Battle Pass, bisitahin lamang ang official website ng Dota 2.