Mahigit isang buwan pa ang hihintayin ng mga Dota 2 fans para sa kapana-panabik na The International 10 (TI10).
Siguro’y inip na inip na kayo sa pagsisimula ng world championship pero ‘wag kayong mag-alala, narito ang anime para mawala ang inyong boredom.
Maaaring hindi na sapat ang paglalaro ng ranked at turbo games para mapasaya kayo kaya naman narito ang ONE Esports para mag-rekomenda ng mga anime na pwede niyong mapanood.
Easy lang mga ‘tol sa inyong mga Pablo Escobar waiting memes. Heto na ang listahan na pwede niyong i-binge habang hinihintay na lumarga ang TI10.
3. Ang TI10 ay nahahawig sa Fate series anime

Animation studios: Deen, Lerche, A-1 Pictures, Ufotable
Masasaksihan sa TI10 ang mga magkakaibang istilo at mga nakakapanindig-balahibong plays mula sa mga qualified teams na magbabanggaan sa isang entablado.
Kung iisiping mabuti, ang bakbakan para sa Aegis of Champions ay maihahambing sa Holy Grail War ng Fate series.
Sa Fate series, naglalaban ang 7 Masters at ang kanilang Servants para malaman ang karapat-dapat makakuha ng Holy Grail, isang relic na kayang tuparin ang kahit anong hiling ng nagmamay-ari nito.
Ang mga pinakasikat na Masters ay sila Shirou at Tohsaka Rin habang kinagigiliwan na Servants naman sina Artoria Pendragon (Saber), Archer, Berserker at Gilgamesh.
Ang kauna-unahang Fate na na-adapt bilang anime ay ang Fate/stay night ng Studio Deen. Mula noon, ang serye ay nagsanga-sanga na sa iba’t-ibang titles gaya ng Fate/Unlimited Blade Works at Fate/Zero.
2. Kung mahilig ka sa Dota 2 lore, tiyak na maaaliw ka rin sa Durarara!!

Episodes: 60 + 5 OVA
Animation studios: Brain’s Base, Shuka
Ikaw ba ay masugid na fan ng Dota 2 lore? Sinusubaybayan mo ba ang player at team storylines sa paparating na TI10? Kung oo ang sagot mo, nahanap na namin ang perpektong anime para sa’yo!
Ang Durarara!! ay tungkol sa mga weird at nakakamanghang karakter na naninirahan sa siyudad ng Ikebukuro, Japan at kung paanong lahat sila’y konektado dahil sa mga misteryosong pangyayari. Nagsisimula ang anime sa modern-day Dullahan na si Celty Sturluson na kinakalaban ang isang gang ng mga anonymous forum users na tinatawag na Dollars.
Susubukin ng Durarara!! ang talas ng iyong memorya pagdating sa pag-alala ng mga istorya at character personality lalo na’t maraming nagaganap sa bawat episode.
Nakakahumaling ang natatanging storytelling at makukulay na karakter sa Durarara!! kagaya na lamang ng mga lore at heroes sa Dota 2.
1. Aba’y siyempre, dapat mong panoorin ang Dota: Dragon’s Blood bago ang TI10

Episodes: 8
Animation studio: Studio Mir
Wala nang mas tutumpak pa sa panonood ng mismong anime ng Dota 2, ang Dota: Dragon’s Blood.
Isinasalaysay ng Dragon’s Blood: Book 1 ang pinanggalingan nila Davion the Dragon Knight at kung paano siya nakakuha ng misteryosong ancient power. Matutunghayan din sa naturang serye ang iba pang Dota 2 heroes na sina Mirana, Luna, Invoker at Terrorblade.
Basahin ang aming walang ka-bias-bias at spoiler-free review ng Dragon’s Blood kung ‘di ka pa rin kumbinsidong panoorin ito.
Kailan nga ba magaganap ang TI10?

Gaganapin ang pinakahihintay na TI10 sa Arena Națională sa Bucharest, Romania mula October 7 hanggang 17.
Maaaring masaksihan ang lahat ng aksyon sa turneo na may pinakamalaking prize pool sa kasaysayan ng esports dito sa Twitch channel ng Dota 2.
Ito’y pagsasalin sa Filipino ng akdang ito.