Maraming pagbabago sa Neutral Items ang nailatag ‘pag lapag ng Dota 2 patch 7.30.

Bagamat iba-iba pa rin ang pananaw ng mga manlalaro tungkol sa mga ito, narito ang dagdag pala-isipan para sa balitaktakan: ang Dota 2 patch 7.30 tier list para sa mga Tier 1 Neutral Items.


Ranking ng Tier 1 Neutral Items sa Dota 2 patch 7.30

Dota 2 patch 7.30 Tier 1 Neutral Items Rankings
Credit: ONE Esports

C-Tier

Tumbler’s Toy

Isa ang Tumbler’s Toy sa mga bagong Neutral Items na inintroduce noong Dota 2 patch 7.30 kasama ng Pig Pole, pero hindi ito kasing ganda kumpara nito.

Useful man ang dagdag 200 mana na binibigay nito, lalo na sa early game, tila hindi pa rin ito sapat lalo na kung ikukumpara sa tulad ng Fairy’s Trinket, na tatlong bonus stats ang ibinibigay, Keen Optic, na nagpapahaba rin ng cast range, o Arcane Ring, na parang mini-Arcane Boots.

Hindi rin kami kumbinsido na nababawi ng taglay nitong active ability ang kakulangan sa stats. Bagamat dagdag mobility din ang kakayahang nang 300 units, malaking drawback ang Blink Dagger mechanic nito na nadi-disable ‘pag nakatanggap ng damage mula sa player sa loob ng tatlong segundo.

Broom Handle

Para sa dagdag 14 damage, three armor, at plus 50 melee range, hindi na masama ang Broom Handle.

Kaso nga lang, ang mga nabanggit na stats lang ang talagang binibigay nito. Walang active ability, walang conditional benefit.


B-Tier

Ocean Heart

Nagbibigay ang Ocean Heart ng plus five sa lahat ng stats. Ang passive ability nitong Water Regen, bagamat medyo mahirap paganahin dahil kailangan ay nakatapak ka river, ay mas malakas naman ang regenerative capability kumpara sa Perseverance.

Kaso nga lang, kailangang bumaba mula sa highground ang may suot nito para lang mapagana ang passive ability. Bagay na delikado lalo na sa mid lane.

Arcane Ring

Okay sana ang bonus 10 intelligence at active ability nitong Replenish Mana lalo na sa mga ranged support, pero medyo weird na nagbibigay din ito ng plus two armor, na mas bagay sana para sa mga hero na pumopronta.

‘Di maipagkakaila na mas maganda ibigay sa mga support ang Neutral Item na ito, kaso nga lang ay hindi nila masyado mayu-utilize ang nasabing armor bonus

Sa kabila nito, solid naman ang nasabing active ability nito. Mas malaki rin ang nabibigay na mana regen nito kumpara sa Keen Optic.

Possessed Mask

Na-nerf noong Dota 2 patch 7.30 ang nasabing Neutral Item matapos gawing flat seven health na lang ang nahi-heal kada palo mula sa dating 7% na attack damage.

Kung hindi dahil dito ay mas mataas pa rin siguro ang tier ng Possessed Mask lalo na’t maganda pa rin itong pang-farm at maganda rin ang stats na binibigay nito.

Chipped Vest

Steady ang pagkaka-buff sa Chipped Vest simula noong ilabas ito at ngayon ay solido na itong Tier 1 Neutral Item sa 7.30. Malaking tulong ang plus four health regeneration nito lalo na sa mga melee heroes na kailangan lumapit sa kalaban.

Okay din ang passive ability nitong nagre-reflect ng damage sa kalaban. Kaya lang ito nasa B-Tier ay dahil mas situational ito at maaaring mapawalang-silbi depende sa lineup.


A-Tier

Pig Pole

Halos dalawang extra level ng stats ang binibigay ng Neutral Item na unang inintroduce sa Dota 2 patch 7.30. 

Ang active nitong ginagawang baboy ang sarili ay nagbibigay ng dagdag movement speed na maaaring gamitin sa maraming sitwasyon, maging panghabol, pang takas, pang secure ng objective, o basta lang panggalaw sa mapa.

Fairy’s Trinket

Maliliit na upgrades ang binibigay ng Fairy’s Trinket na ito na ‘pag pinagsama-sama ay sobrang useful para sa isang Tier 1 Neutral Item. 

Para itong mini-Kaya, na nagkakahalaga ng 2,000 gold, na nagbibigay ng 5% manaloss reduction at 5% spell damage. Hindi lang nito pinaparami ang spells na kayang i-spam ng nagsusuot, kung hindi pinapasikit din.

Maganda ito para sa mga midlaner tulad nina Lina, Storm Spirit, Leshrac, at Keeper of the Light ilan sa mga meta hero sa Dota 2 patch 7.30.

Keen Optic

Kung bagay na bagay ang Fairy’s Trinket para sa mga core na spell casters, ang Keen Optic naman ay ang best Neutral Item choice para sa mga support.

Bukod sa 1.25 mana regeneration na biyaya nito, nagbibigay din ito ng 75 bonus cast range na hinahayan ang mga support na makapag-cast nang spell nang hindi masyado lumalapit sa kalaban.


S-Tier

Trusty Shovel

Tanging ang Trusty Shovel lang ang Neutral Item na S-Tier sa Dota 2 patch 7.30.

Nagbibigay ito ng 100 HP, ang stat na maaaring pinakamahalaga sa laro. Ang actitve nitong Dig ay useful din lalo na kung Bounty Rune ang makukuha na pwedeng magbigay ng maliit na GPM boost sa buong koponan.

Madalas makita ang mga pro player na may Trusty Shovel sa backpack at ipapalit lang kapag nag-cooldown na para sa libreng items na binibigay nito.

‘Wag nga lang sana matapat sa Kobold, ang tanging problema ng S-Tier Neutral Item na ito.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.