Laging naghahanap ang mga esports organization ng best talent na ilalagay sa kanilang koponan, at ‘yan mismo ang ginawa ni Tal “Fly” Aizik para sa kanilang Dota 2 roster.

Sa isang ekslusibong interbyu kasama ang ONE Esports, ibinahagi ni Evil Geniuses Dota 2 team captain Fly kung paano sila nakakapalag sa isa sa mga pinakamainit na esports scene gayong sila ay isang grupo ng mga player na nanggaling sa iba’t-ibang rehiyon at background.


Ipinaliwanag ni Fly ang magandang chemistry ng Evil Geniuses kasama si Abed

Alam ng fans na ang esports ay puno ng matitinding competitors na talagang gigil manalo. Ang mga professional player na ito ay kinukuha ng mga pinakamagagaling na koponan sa buong mundo dahil sila ay may nakamit na at talaga namang talentado.

Ilan sa mga pinakamalulupit na Dota 2 pro player sa buong mundo ay may matibay na personalidad at bilib sila sa kanilang sarili na alam nila ang kailangang gawin para manalo, kaya minsan ay pwede ‘to maging hudyat ng problema. Kaya naman nakakita na rin tayo ng napakaraming Dota 2 superteams na nabuo at lumipas din.

Ipinaliwanag ni Fly na hindi ito ang kaso sa Evil Geniuses at sa kanilang Filipino star midlaner na si Abed “Abed” Yusop.

“Having somebody like Abed on the team is pretty rare. He’s one of the best teammates to have because he’s very easy going,” wika ni Fly.

“Usually people have big egos, or they come from a different culture and they have a lot more to say,” pagpapatuloy niya. “He doesn’t feel the need to force his opinion on anyone. He’s very willing to listen and to learn, besides the fact that he’s an insane player.”


Ang pagsikat ni Abed bilang Dota 2 pro player

Isa si Abed sa pinakamagagaling na Dota 2 talent na nagmula sa Southeast Asia. Gumawa siya ng pangalan sa Execration noong 2016 hanggang sa magdesisyon siya na pumunta sa North America at sumali sa Team Onyx at Digital Chaos noong 2017.

Pinagpatuloy ng Pinoy player ang paghasa ng kanyang talento at kalaunan ay naging isa sa pinakamabangis na midlaner sa buong mundo nang bumalik siya sa Southeast Asia sa pamamagitan ng pagsali sa Fnatic sa mga huling buwan ng 2017.

Napabilang si Abed sa all-star roster ng Evil Geniuses matapos ang 2018-2019 DPC season at pinalitan niya si Sumail “SumaiL” Hassan.

Napanatili ng EG ang kanilang estado bilang isa sa pinakamalakas na Dota 2 team sa mundo nang tapusin nila ang 2021 season na may pinakamaraming DPC points.

Credit: Evil Geniuses

Isa sa mga napipisil ang Evil Geniuses na maiuwi ang Aegis of Champions sa paparating na The International 10. Ang koponan ay kasalukuyang naghahanda sa kanilang bootcamp sa Bucharest para sa TI10 na ilang araw na lamang ay lalarga na.


Maaari niyong basahin ang orihinal na artikulo ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.