Pinangalanan ni Syed Sumail “SumaiL” Hassan ng OG ang para kanya’y pinakamagaling na Dota 2 player sa ngayon at ito ay walang iba kung hindi si Wang “Ame” Chunyu ng PSG.LGD.

Sinagot ng carry ng OG ang naturang tanong habang kumakain sa kanyang live stream. Nanggaling ito mula isa isang viewer na pinaunlakan naman ng tanyag na manlalaro.

“I don’t think there’s a best player right now. If I had to say ‘right now’ ‘right now’, it would be Ame,” sagot ni SumaiL.

Naniniwala rin si “King” na mananatiling malakas ang PSG.LGD dahil sa kanilang carry.

Bukod kay Ame, SumaiL, ibinunyag din ang pinakamalakas na midlaner na nakatapat niya

Dota2 OG Sumail
Credit: OG Esports

Nagpatuloy ang manlalarong hinirang na kampeon noong The International 2015 kasama ang Evil Geniuses sa kanyang palagay tungkol sa PSG.LGD.

“I think it’s their (position) 3,4, and 5 that make the team, and them Ame is just a beast,” paliwanag pa niya.

Isa ang PSG.LGD sa pinaka-aabangang koponan papasok ng The International 10. Hinirang silang kampeon ng WePlay AniMajor, ang huling Major tournament ng Dota Pro Circuit 2021, OGA Dota PIT Season 5: China, at nag-second place din sila sa ESL One Fall 2021.

Ame at PSG.LGD sa WePlay AniMajor
Credit: We Play AniMajor

Tinanong din siya kung sino ang pinakamalakas na mid player na kanyang nakaharap at malugod din itong sinagot ni SumaiL.

“Best mid-laner I’ve faced? Zhang “Paparazi” Chengjun. That guy is the best. I think on SF he is the best laner, ever in Dota 2. Better than me,” he said.

Bagamat kilala bilang carry si Paparazi, matatandaang naging kampeon ng dalawang sunod na Dota Asia Championship Solo Tournament ang manlalaro. Binalagbag niya noong 2017 sina SumaiL, Song “Sccc” Chun, at Amer “Miracle-” Al-Barkawi noong 2017 bago depensahan ang kanyang titulo noong sumunod na taon.

Elephant Eurus best mid laner ayon kay SumaiL
Credit: DreamHack

Susubukan namang depensahan ni SumaiL at kanyang koponan na OG ang kanilang Aegis of Champions sa paparating na Dota 2 world championship na gaganapin simula sa ikapito ng Oktubre.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.