Si Kurtis “Aui_2000” Ling, ang dating support player para sa Evil Geniuses sa The International 5 (TI5), ay naglabas ng isang TwitLonger kung saan pinagusapan niya ang The International 10 (TI10) at lahat ng chatting sa mga opisyal na laro.
Siyam na taon na nasa Dota 2 scene si Aui_2000, at sa pangkaramihan ng 2021, naging broadcast talent at analyst siya para sa WePlay AniMajor, ESL One Summer 2021, at TI10.
Naniniwala si Aui_2000 na kailangan ng time ang mga talents para makabuo ng synergy

Unang nagtrabaho si Aui_2000 bilang isang Dota 2 talent noong 2017 sa Kiev Major. Simula noon, nilaan niya ang kaniyang oras sa pagiging isang coach hanggang sa ngayong taon kung saan nag-all out siya bilang analyst.
“I think something that I’ve mentally disrespected is the hours necessary to develop good talent synergy and what that requires at events,” sulat ni Aui_2000. “I think the hours for talent work are far less compared to playing or coaching, but they can still be demanding at events.”
“I think it’s very beneficial to maximize interactions outside of and leading up to events,” dagdag niya.
Pahayag ni Aui_2000 sa all chatting sa TI10

Sa laban ng Team Spirit at OG, nag-chat ng “ez game” ang midlaner ng Team Spirit na si Alexander “TORONTOTOKYO” Khertek sa all chat sa game two ng serye. Iilan sa mga Dota 2 fans ay naintriga dito dahil naging ganoon ang kaniyang kilos sa isang professional match.
“I found the ‘ez game’ distasteful because it was all chat while eliminating a team from TI. That doesn’t mean I’m correct, and people will form their own opinion of it,” sulat ni Aui_2000.
Dahil maraming Dota 2 players ang humahanga sa mga pros, naniniwala si Aui_2000 na dapat magbigay ng positibo energy at maghikayat ng pagmamalasakit para mas mapabuti ang Dota 2 scene.
“I don’t think any streamer or pro should be forced to behave fake-positive, but I wish they wanted to, and I think the positivity would be beneficial for them personally as well as for the scene,” sabi niya.
Basahin ang buong TwitLonger ni Aui_2000 dito kung saan pinagusapan niya ang Dota 2 community, bagong talents, at ang MMR system.
Gusto mo pa ng aksyon sa Dota 2? Panoorin ang Heroes of the Game documentary na inihatid ng foodpanda.