Inanunsyo na ng North American team na Quincy Crew ang kanilang buong roster para sa NA 2022 Dota 2 Pro Circuit (DPC) season.

Sa pamamagitan ng Twitter, inilahad ng Quincy Crew ang kanilang tatlong bagong miyembro.

Si Maurice “KheZu” Gutmann ang bagong offlaner ng koponan habang sila Milan “MiLAN” Kozomara at Remus “ponlo” Goh Zhi Xian naman ang bago nilang support duo.

Credit: Quincy Crew

Bilang coach ng QC noong 2021 DPC season, inaasahan ang swabeng pagpapalit ng role ni KheZu papunta sa offlane role, na binakante ni Rodrigo “Lelis” Santos.

Interesante namang makita kung paano maglalaro sila MiLAN at Ponlo bilang support duo ng koponan dahil ito ang unang beses na magkakasama sila. Pinalitan ng dalawa sila Arif “MSS” Anwar at Avery “SVG” Silverman.

Ang bagong Quincy Crew roster para sa 2022 DPC season

1 – Yawar “YawaR” Hassan

2 – Quinn “Quinn” Callahan

3 – Maurice “KheZu” Gutmann (captain)

4 – Milan “MiLAN” Kozomara

5 – Remus “ponlo” Goh Zhi Xian


Quinn at YawaR magsasama sa panibagong season sa ilalim ng Quincy Crew

Mananatili sila Quinn “Quinn” Callahan at Yawar “YawaR” Hassan sa Quincy Crew para sa darating na 2022 DPC season. Ito na ang ikaapat na taon na maglalaro sila nang magkasama.

Sa nakalipas na The International 10, nagtapos ang QC sa 9th-12th place nang walisin sila ng OG sa lower bracket second round. Nakapag-uwi sila ng US$800,400 na premyo.

Sa ngayon, wala pang inaanunsyo ang Valve kung kailan opisyal na magsisimula ang panibagong DPC season.


Base ito sa orihinal na artikulo ni Danelie Purdue ng ONE Esports.