Opisyal nang inanunsyo ni offlaner Rodrigo “Lelis” Santos (kilala rin sa in-game name na Leslão) ang kanyang pag-alis sa Quincy Crew at aalamin ang kanyang mga susunod na hakbang para sa darating na Dota Pro Circuit (DPC) season.
Nakasali sila Lelis at Quincy Crew sa The International 10 sa pamamagitan ng DPC. Naipanalo nila ang kanilang laban sa first round ng playoffs kontra sa beastcoast ngunit nawalis ng TI8 at TI0 champion OG kaya naman nagtapos sila sa 9th-12th place.
Ibinihagi ni Lelis ang kanyang saloobin tungkol sa TI10 at Quincy Crew

Sa isang TwitLonger post, nagkwento si Lelis tungkol sa karera niya kasama ang Quincy Crew. Nagpasalamat siya sa kanyang mga kakampi at sa kanilang team manager na si Jack “KBBQ” Chen para sa oportunidad na makasali sa koponan.
Naramdaman ni Lelis na hindi maiiwasan ang kanyang paglisan sa Quincy Crew dahil sa kanilang placing sa TI10. Matapos ang dalawang taon ng paghahanda, sinabi niyang ang 9th-12th finish sa The International ay isang mababang placement kung tutuusin. Pero sa pangkalahatan, sinabi niyang magandang karanasan ang TI10.
Binati niya rin ang Team Spirit sa pagkakapanalo nila ng Dota 2 world championship.
Kamakailan ay inanunsyo rin ng Thunder Predator ang pag-release sa kanilang buong Dota 2 roster noong ika-17 ng Oktubre matapos pumalyang makapasok sa main stage ng TI10.
Ngayong free agents na sila Lelis at ang dating roster ng Thunder Predator, opisyal nang nagsimula ang post-TI roster shuffle.
Hango ito sa orihinal na artikulo ni Ahmad “Otomo” Alazawi ng ONE Esports.
Gusto mo pa ba ng ibang content tungkol sa Dota 2? Panoorin ang Heroes of the Game documentary presented by foodpanda.