Pinili ni Johan “N0tail” Sundstein ang “Lakad Matatag! Normalin, Normalin,” bilang isa sa mga all-time best voice chat sa Dota 2.

Sa isang panayam ilag saglit pagkatapos ng kanilang tagumpay kontra Quincy Crew sa lower bracket ng The International 10 Main Event, binanggit ng OG captain ang dalawang chat wheel sounds na sa tingin niya ay ‘di matatawaran.

“Out of all times which is the best? I would have to do the Lakad Matatag and the Kookaburra laugh,” sagot ni N0tail sa tanong ni Jake “SirActionSlacks” Kanner.

Lakad Matatag, aprub kay N0tail

Lakad Matatag, aprub kay N0tail
Credit: OG

Hindi sikreto na paborito ng OG ang Lakad Matatag na voice chat. Simula noong una itong lumabas sa The International 2018 Battle Pass, isa ang back-to-back champions sa mga koponang madalas gumamit nito.

Ang “Lakad Matataaag! Normalin, Normalin,” ay dalawang katagang sinambit nina Filipino esports icons Marlon “Lon” Marcelo at Alrdin “Dunoo” Pangan nang i-cast nila ang serye ng Fnatic kontra Team Secret noong ESL One Katowice 2018.

Isa rin ang tanyag na esports organization sa mga nagpa-abot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Dunoo. Mariin din ang naging paghikayat nilang ibalik ang naturang voiceline sa laro bilang pagkilala sa yumaong Pinoy caster.

Tinupad naman ng Valve ang hiling na ito ng komunidad. Sa Dota Plus Fall Update, ginawang Platinum-tier rewards ang mga sumusunod na voice chat ni Dunoo, dahilan para muling magamit ito ngayon sa idinadaos na TI10.

Credit: ONE Esports

Samantala, itutuloy naman ng koponan ang kanilang kampanya para sa three-peat sa lower bracket ng TI10 Main Event. Haharapin nila mamaya ang Team Spirit, ang koponang lumaglag sa Fnatic na pambato ng Southeast Asia.

Mapapanood ang opisyal na Filipino broadcast ng The International 10, hatid ng LuponWXC, sa kanilang TwitchYouTube at Facebook platforms. 

Masusubaybayan din ang mga pangyayari sa TI10 sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.

Gutom ka pa ba sa Dota 2 action? Panoorin ang Heroes of the Game documentary hatid ng foodpanda.

BASAHIN: TI10 Filipino broadcast ng LuponWXC, alay para kay Kuya D