Sumakabilang-buhay na ang batikang Filipino esports personality na si Aldrin “Dunoo” Pangan. 

Pumutok ang balita Biyernes, ika-27 ng Agosto, ilang linggo matapos niyang kumpirmahin sa isang social media post na siya ay nag-positive sa COVID-19.

Nag-abot ng pakikiramay ang ilang esports talents at personalities sa kanyang pagpanaw. Inalala naman ng LuponWXC, isa sa pinakamalaking esports organization sa Pilipinas kung saan kabilang si Dunoo, ang kanyang legacy bilang “best caster”. 

Contrary sa nakikita ng karamihan, he’s been a pure professional he knows his role, always in time and knows how to…

Posted by LuponWXC on Thursday, August 26, 2021

Dunoo, ang isa sa mga boses sa likod ng ‘Lakad Matatag’

Dunoo at Lon
Credit: Aldrin Paulo Pangan

Kilala si Dunoo, o Kuya D, bilang ang kalahati ng “The Most Explosive Casting Tandem”, kasama si Marlon “Lon” Marcelo. Sila ang mga boses sa likod ng “Lakad Matatag! Normalin, Normalin” na sinimento sa katanyagan matapos maging Chat Wheel para sa The International 2018 Battle Pass.

Isa si Kuya D sa mga pioneer ng esports shoutcasting sa bansa. Mula sa pagka-cast ng mga laro sa loob ng computer shop, hanggang sa maging isa sa mga unang delegado ng Pilipinas sa official Filipino broadcast ng Dota 2 world championship noong 2016, hindi maipagkakaila ang kanyang kontribusyon sa paglago ng industriya.

Lon at Dunoo casting sa MPGL VI
Credit: Mineski Events Team – MET Events

Bukod sa kanyang mga ambag sa larangan ng Dota 2, masugid na manlalaro at taga suporta din ang namayapang caster ng larong PlayerUnknown’s Battlegounds, o PUBG. Nakidalamhati rin ang naturang laro sa pamamagitan ng isang social media post na inilathala sa kanilang opisyal na Facebook account.

Credit: PLAYERUNKNOWN’S BATTLEGROUNDS