Isang pagkilala ang iginawad ng Valve kay Aldrin Paulo “Dunoo” Pangan, ang maalamat na Filpino shoutcaster na pumanaw nitong nakaraang linggo. Sa kalalabas lang na Dota Plus Fall Update, nagbabalik ang makasaysayang voice lines bilang bahagi ng Dota Plus rewards.

Laging may bagong content na idinadagdag sa game sa tuwing may update ang Dota Plus service ng Valve. At sa pagkakataong ito, idinagdag nila ang Dunoo voice lines bilang bahagi ng Guild perks sa kanilang Platinum-tier rewards.

Dota2 DunooVoiceLines
Credit: Valve

Narito ang tatlong voice lines ni Kuya D:

  • “Easiest money of my life!”
  • “Lakad Matataaaag! Normalin Normalin.”
  • “The next level play!”

Ang mga iconic na Dunoo voice lines na ito ay naging resulta ng “the most explosive duo” nila ng kanyang partner na si Marlon “Lon” Marcelo.

Contrary sa nakikita ng karamihan, he’s been a pure professional he knows his role, always in time and knows how to…

Posted by LuponWXC on Thursday, August 26, 2021

Ang pagpanaw ni Dunoo ay isang hagupit sa industriya ng esports, hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa international scene. Kung kaya’t hindi nakakapagtaka ang pagbuhos ng pag-alala mula sa mga taong nagmamahal sa yumaong shoutcaster.

Ang pagbalik ng Valve ng Dunoo voice lines ay isang matibay na pagkilala sa mga kontribusyon ni Kuya D sa kultura at larangan ng esports.