Importante ang paghahanap ng pinakamabisang counter kay Beastmaster dahil isa siya sa pinakamalakas na offlaner ngayon sa Dota 2 patch 7.30b. Dati pa naman ay maganda na siyang pick pero mas sumikat siya ngayon sa pinakabagong update.

Si Beastmaster ang pangalawa sa may pinakamataas na win rate sa high MMR games at isa rin siya sa mga highly contested sa pro scene. Siya ang ikaapat sa most contested hero sa nakalipas na ESL One Fall 2021.

Dahil sa mga bagong buff, naging katakot-takot si Beastmaster sa laning stage. Kakaunti lang ang kayang makipagsabayan sa kanyang Boars. Maging ang Helm of Overlord ay na-buff din kaya nagbalik ang Zoo meta na kayang-kaya magpabagsak ng mga structure.

Mahirap man siya i-shut down, meron pa ring mga hero na magandang counter kay Beastmaster sa Dota 2 patch 7.30b.


Medusa

Credit: Valve

Sa ngayon, si Medusa ang may pinakamataas na win rate kontra kay Beastmaster at madali lang makita kung bakit. Lahat ng abilities ni Medusa ay perpektong panlaban kay Beastmaster.

Ang Split Shot ang pinakadahilan kung bakit malakas si Medusa laban kay Beastmaster dahil naki-clear niya nang mabilis ang mga summon nito gamit ang skill na ‘to.

Isa pa ang kanyang Mystic Snake na kaya ring mag-deal ng mataas na damage sa mga creep. Pinapayagan din siya nito na i-harass si Beastmaster sa lane na nakakapagpabagal sa pag-build niya ng Helm of the Overlord.

Si Medusa ay isa rin sa mga pinakamakunat sa laro dahil sa kanyang Mana Shield kaya naman kaya niyang ma-sustain ang damage mula sa army of creeps ni Beastmaster.

Mula sa simula hanggang sa dulo ng laro, isa si Medusa sa mga malalaking threat kay Beastmaster.


Sand King

Credit: Valve

Si Beastmaster na marahil ang pinakamalakas na offlaner sa Dota 2 patch 7.30b pero nandoon pa rin ang dati niya pang kahinaan–ang mawala ang kanyang army. Dito na pumapasok si Sand King bilang isa mga pinaka-akmang counter sa kanya.

Kaya ni Sand King na i-clear ang army ni Beastmaster gamit ang kanyang Sand Storm na nakakapaglabas ng mataas na damage sa paligid nito. Epektibo rin ito sa pag-protekta ng mga tore dahil na rin sa malawak na AoE at invisibility nito.

Ang ibang abilities ni Sand King ay maganda rin kontra kay Beastmaster. Ang combination ng Burrowstrike at Caustic Finale ay kayang makabura ng creep wave habang ang Epicenter naman ay merong mabagsik na AoE damage na may kasamang slow effect.

https://www.youtube.com/watch?v=2xaMHJXFDsU

Masyadong maraming AoE spell si Sand King, bukod pa sa kanyang natural durability at elusiveness. Kaya naman isa siya sa mga pinakamabisang counter kay Beastmaster sa offlane.


Winter Wyvern

Credit: Valve

Kung hindi ka isang core player pero ayaw mong matalo sa isang Beastmaster, marapat lang na si Winter Wyvern ang piliin mo.

Kayang i-outrange ni Winter Wyvern ang mga summon ni Beastmaster sa laning stage at i-harass siya palabas ng lane o kaya naman pwersahin siyang mag-focus sa regeneration. Kahit ano pa man, kaya ni Winter Wyvern na pabagalin ang timing ng isang Beastmaster.

Malakas rin si Winter Wyvern kontra kay Beastmaster pagdating sa depensa dahil sa kanyang Cold Embrace na nagbibigay ng physical immunity at health regen. Perpektong pangontra ito sa long duration stun ng Primal Roar maging sa pure physical damage ng hero.

Palaging naglalakbay si Beastmaster kasama ang kanyang army kaya naman sulit na sulit gamitin sa kanya ang Winter’s Curse. Tinatarget ng ability na ‘to ang isang kalaban at pinupwersa ang mga kampi nito na atakehin siya.

https://www.youtube.com/watch?time_continue=17&v=ld0YT9pLhPo&feature=emb_logo

Isa rin ang Splinter Blast sa mga mabibisang spell laban kay Beastmaster dahil nagpapakawala ‘to ng 340 damage sa mga kalaban sa isang area at nakaka-slow din. Meron lamang itong cooldown na 7 segundo at dahil sa 1200 cast range nito, kaya ni Winter Wyvern na bumuga ng Splinter Blasts nang ligtas kontra sa Beastmaster army.

Konti lang ang mga support na kayang kumontra kay Beastmaster sa Dota 2 patch 7.30b pero isa si Winter Wyvern sa mga kayang gawin ito.

Hango ito sa orihinal na article ni Ahmad “Otomo” Alazawi.