Nagbalik si Beastmaster at ang kanyang “Zoo meta” nang pakawalan ang Dota 2 patch 7.30. Naging salot siya sa mga pub game ngayon at kung titignan ang mga torneo, maging ang mga pro ay nahihirapang kontrahin siya.
Sa nakalipas na ESL One Fall 2021, na-pick ang Beastmaster nang 13 beses at walo ang kanyang naipanalo para sa mainam na 62% win rate.
Ano nga ba ang nagpapalakas kay Beastmaster at sa kanyang Zoo meta ngayong Dota 2 patch 7.30?
Ang Zoo meta ay nakadepende sa mga item

Mahalaga sa zoo meta ang pag-control sa mga malalakas na neutral creep at gamitin sila sa pag-push ng lanes sa early game. Kaya naman mas malakas ang Zoo meta kapag may mga items na nagbibigay ng aura.
Hanggang sa patch 7.29, ginagamit ng Zoo meta ang Necronomicon summons bilang main power spike dahil sa buff na ibinibigay nito sa mga kakampi, disenteng damage at kunat, at abilidad na makatanggal ng wards ng kalaban gamit ang True sight nito.
Ngunit dumating ang patch 7.30 na nagbura sa Necronomicon sa laro.
Anong nagbago sa Dota 2 patch 7.30?

Pinalakas ng Dota 2 patch 7.30 ang Helm of the Overlord, na dati ay ‘di pinapansin, at isinama ang Vladimir’s Offering bilang isa sa mga parte nito. Dahil dito, mayroon na itong apat na aura na kinabibilangan ng bonus armor, damage at lifesteal.
Ang mga aura na ito ay swak para sa kahit anong team na gustong magsama-sama at mag-push habang pinapalakas din nito ang mga kakamping creeps.
Ang Helm of the Overlord ay nagagamit din ng mga player para makontrol ang kahit anong creep sa mapa at pinapalakas ito. Ilan sa mga buff nito ay:
- Health set to 1800
- 400 base movement speed
- Bonus 80 damage
- Bonus 12 health regen
- Bonus 8 armor
Sa average timing lang na 15 minuto, ang Helm of the Overlord ay hindi lang nagbibigay ng extra creep sa isang koponan kundi parang ikaanim na hero na rin.
Ang early game ni Beastmaster ay pinalakas

Nakatanggap ng malaking buff si Beastmaster sa kanyang laning stage. Ang damage ng kanyang Boars ay tumaas mula 16 hanggang 20 samantalang ang Hawk niya ay mayroon nang 750 vision sa Level 1 na kung dati’y nasa 600 lamang.
Ang dagdag na Hawk vision ay maganda pero ang pinataas na damage ng kanyang Boars ang talagang nagpapalakas sa kanya sa laning. Madalas na kasama niya lang ang mga ito sa kanyang tabi kaya naman ang damage ng mga ito ay tumaas mula 32 hanggang 40 kung tutuusin.
Maliban sa damage, nakaka-slow din ng kalaban ang mga Boars kaya mahirap itong takasan. Mayroon ding angking kunat ang mga ito kaya ‘di ganun kadali patayin.
Dati pa naman ay talagang malakas nang laning stage hero si Beastmaster pero dahil sa mga buff na ito, maaring na siyang maituring na overpowered.
Matindi ang mid-game power spike ng isang Beastmaster
Tinataon ng mga competitive Dota 2 player ang pag-push nila sa dalawang power spike ni Beastmaster. Una na rito ang Helm of the Overlord at ang pangalawa ay ang kanyang Level 15 talent na nagbibigay sa kanyang mga summon ng dagdag 250 health.
Sa labanan ng Alliance at SG Esports, minadali pa nga ng beteranong pro na si Gustav “s4” Magnusson ang pagbili ng Helm of the Overlord at hindi na muna kumuha ng Boots of Speed.
Dati ang Level 15 talent ay nagbibigay ng karagdagang 350 health sa mga controlled creeps pero na-nerf ito noong 7.30b at ginawang 250. Gayunpaman, makunat pa rin ang mga ito at pwedeng gamitin sa pagtulak sa high ground.
Sa ngayon ay talagang malakas si Beastmaster. Nakatanggap man siya ng ilang nerf sa bagong letter patch, maaari pa ring asahan ng mga Dota 2 fans na patuloy ang impact ng hero na ito.
Ito’s pagsasalin ng akda na ito.