Nagpakitang-gilas sa Dota 2 si Asa Butterfield, ang bida sa palabas na Sex Education, matapos makipaglaban sa coach at caster na si William “Blitz” Lee.

Nag-mid-only solo match ang dalawang miyembro ng Team Liquid kamakailan. Matatandaang naging parte si Butterfield ng Team Liquid noong Oktubre ng nakaraang taon, habang nagsisilbing coach naman ng Dota 2 roster si Blitz.

Blitz, pinartidahan si Asa Butterfield sa kanilang 1v1 Dota 2 matchup

Asa Butterfield Team Liquid
Credit: Team Liquid

Bilang dating professional player si Blitz, hinayaan niyang mamili si Butterfield kung paano niya ito bibigyan ng partida sa kanilang bakbakan.

“What handicap do you want? Do you want no glasses? No keyboard?” tanong ng coach.

Agad namang sumagot ang artista ng ‘no keyboard’. Ito ay matapos pa mag-random si Blitz ng Razor, na sinundin din naman ng artista, na nakapag-random ng Tusk.

Ang mainit na 1v1 kontra Razor ni Blitz at Tusk ni Asa Butterfield

Nagmukang epektibo ang napiling partida ni Butterfield. Lumabas kasi na hindi kayang mkapag-deny ni Blitz nang wala ito kaya kahit papano’y nakalamang siya sa lane.

Uminit ang mga tagpo bandang anim na minuto ng laro. Sinugod ni Blitz ang kanyang kalaban matapos kabitan ng Static Link. Bahagyan napigilan ni Butterfield ang pag-dive ng Razor matapos mag-Snowball at Walrus Punch! para makapagtago sa mga punuan.

Ilang segundo rin ng pagdyu-juke ang lumipas nang muling makita ni Blitz ang puladong kalaban. Isang palo na lang sana at mamamatay na ito ngunit na-slow ito ng Ghost na neutral creep sa may mid.

Sakto namang may Regeneration Rune na nagaabang para skay Butterfield, dahilan para makabalik siya sa bakbakan at ma-First Blood si Blitz.

Mapapanood ang buo nilang bakbakan sa video na ‘to.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.