Sa kauna-unahang pagkakataon, bibida ang offlaner ng TNC Predator na si Jun “Bok” Kanehara sa YouTube channel ng vtuber na si Kureha Kurono.

First of its kind: TNC Bok x Kureha Kurono Collaboration

Kureha Kurono

Kilala ang demon-inspired vtuber sa pagla-livestream ng Dota 2 public matches sa kanyang channel habang nakikipag-interact sa kanyang mga viewers gamit ang English at Japanese.

Nagpo-post din siya ng iba’t-ibang content gaya ng orihinal niyang music videos, meme reviews, pati na rin collaboration kasama ang iba pang social media personalities.

Samantala, ang half-Filipino, half-Japanese naman na si Bok naman ay miyembro ng tanyag na Philippine-based esports organization na TNC Predator. 

TNC Predator Jun "Bok" Kanehara
Credit: WePlay AniMajor

Inanunsyo ang kanilang collaboration sa isang tweet na inilathala ni Kureha Kurono.

Masasabing ‘first of its kind’ ang collaboration ng dalawang personalidad lalo na’t hindi ganon kalakas ang presensya ng Dota 2 sa teritoryo ng mga vtuber.

Maglalaro ang dalawa ng Dota 2 pubs bago isabak ng vtuber si Bok sa isang interview.

Nakatakdang ganapin ang stream sa Linggo, July 25, sa YouTube channel ni Kureha.