Ang pinaka-aabangang collaboration stream sa pagitan ng offlaner ng TNC Predator na si Jun “Bok” Kanehara at Kureha Kurono ay naganap na sa YouTube channel ng Japanese vtuber noong ika-25 ng Hulyo.

Sinalubong ang mga sumubaybay ng pre-recorded cover ng Dota o Ako, isang kantang patok sa mga old school Filipino Dota players, bago tuluyang idaos ang panayam kasama ang Filipino Dota 2 player.

TNC Bok, ni-reveal kung paano nagsimula ang kanyang Dota career pati ang kanyang all-time favorite anime

Nakwento ng manlalaro sa stream na noong 2012 niya sinimulan ang kanyang career bilang professional Dota 2 player. Una siyang naglaro sa ilalim ng Arcanys Gaming, isang Cebu-based na koponan.

Bok sa Arcanys Gaming
Credit: Mineski

May parte rin sa kanyang karera kung saan naglaro siya sa Indonesia kasama ang Rex Regum Qeon. Bagamat inihayag niya kung gaano kababait ang mga taong bumubuo sa koponan, hindi rin siya masyado nagtagal dahil sa language barrier.

Matapos usisain ang kanyang Dota career, tinanong din ni Kureha Kurono kung mahilig daw ba si Bok sa anime. Pinaunlakan naman ito ng Pinoy at sinabing Code Geass at TenSura ang ilan sa kanyang all-time favorites.

TNC Bok sa stream ni Japanese vtuber Kureha Kurono
Screenshot ni Danelie Purdue/ONE Esports

May punto rin sa stream, bago sila magsimulang maglaro ng Dota, kung saan tinanong ng vtuber kung ano ba ang ibig sabihin ng “Pepito, my friend” na inii-spam sa chat. Hindi mapigilang matawa ni Bok bago magpaliwanag na ito ay reference sa isang palabas sa Pilipinas kung saan sinasabing kamukha niya ang bidang aktor.

TNC Bok nag-sample ng Japanese kay Kureha Kurono

Maririnig paminsan-minsan si Bok sa kabuuan ng stream na nagja-Japanese. Natutunan niya raw ito dahil Japanese ang kanyang tatay. Ibinahagi niya rin na solid magluto ng Japanese curry ang kaniyang Filipina na nanay.

Pagkatapos ng interview, sinimulan na ng dalawa na maglaro ng pubs. Nagulat din ang ilang manonood nang sumali ang girlfriend ni Bok pati na rin ang Filipino caster na si John “johnxfire” Nathan Fernandez sa party nila.

Nakwento rin ng TNC offlaner sa stream na nakilala niya ang kanyang girlfriend sa isang laro na Coin Master. Madalas din daw silang maglaro ng Dota.

https://www.youtube.com/watch?v=7A5_da8cSis&ab_channel=KurehaKurono%E9%BB%92%E4%B9%83%E3%81%8F%E3%82%8C%E3%81%AFVsinger

Mapapanood ang buong stream ni Kureha Kurono kasama si Bok sa kanyang YouTube channel. Siguraduhin lang na hinaan ang inyong volume bago tumutok!