Magsisimula na ang BTS Pro Series Season 7: Americas kasabay ng parehong online tournament para sa Southeast Asia.

Nagdadaos ang Beyond the Summit ng Pro Series tournaments tuwing walang opisyal na pangyayari sa Dota Pro Circuit o Major tournaments. Dahil matagal-tagal ang paghihintay bago magsimula ang The International 10, nagbabalik muli ang turneo para sa ikapitong season.

Ano ang BTS Pro Series Season 7: Americas

BTS Pro Series Season 7: Americas dates
Credit: Beyond the Summit

Ang BTS Pro Series Season 7: Americas ay isang online Dota 2 tournament kung saan tampok ang walo sa pinakamalalakas na koponan mula sa North America at South America.

Binubuo ito ng dalawang tournament phase: ang group stage at ang playoffs. Sa group stage, maglalaban-laban ang mga kalahok sa single round-robin, best-of-two series, kung saan ang top four teams ay masi-seed sa upper bracket ng playoffs, habang ang bottom four naman ay masi-seed sa lower bracket.

Double-elimination bracket naman ang format playoffs kung saan ang lahat ng laro ay best-of-three series, maliban sa grand final na best-of-five.

USD$50,000 prize pool ang nakataya sa naturang palaro.

Schedule at scores ng BTS Pro Series Season 7: Americas

BTS Pro Series Season 7: Americas schedule
Credit: Beyond the Summit

Ang group stage ng turneo ay gaganapin simula siyam ng Agosto hanggang sa ika-15. Pagkatapos ng ilang araw na pahinga, sisimulan nito ang playoffs sa ika-20 ng Agosto at nakatakdang matapos sa ika-22 ng parehong buwan.

(Ang schedule at mga score ay i-a-update pa lang. Lahat ng oras at araw ay GMT+8.)

Ang mga kasaling team sa BTS Pro Series Season 7: Americas

BTS Pro Series Season 7: Americas participating teams
Credit: Beyond the Summit

Walong koponan ang bubuo sa palaro. Apat mula dito ay directly invited habang ang natirang apat naman ay magmumula sa closed qualifier.

Invited teams

  • Beastcoast
  • Undying
  • SG e-sports
  • 4 Zoomers

Closed Qualifier teams

  • NoPing e-sports
  • TEAM TEAM
  • Simply TOOBASED
  • Arkosh Gaming
  • Infamous
  • Team Unknown
  • Furia Jovem
  • Hokori

Saan mapapanood ang BTS Pro Series Season 7: Americas

Masusubaybayan ang palaro sa opisyal na  Twitch channel ng BeyondTheSummit.