Inanunsyo ng OG na ang orihinal na roster nila ang dedepensa sa kanilang titulo sa The International 10 matapos kumpirmahin na makakapaglaro si Sébastien “Ceb” Debs.

Ceb makakapaglaro sa TI10 sa kabila ng kanyang operasyon sa mata

Ceb makakapaglaro sa TI10 sa kabila ng eye surgery
Credit: OG

Noong ika-isa ng Oktubre, inilathala ng kasalukuyang Aegis of Champions holder na bumalik sa France ang kanilang offlaner dahil kinailangan nito ng agarang medikal na atensyon.

Bagamat naging matagumpay ang operasyon, hindi agad natukoy kung makakapaglaro si Ceb sa TI10 dahil kailangan pa ng clearance mula sa kanyang doktor. Inihanda pa ng OG si Michael “Micke” Vu bilang substitute kung sakaling hindi matuloy ang kanilang orihinal na manlalaro.

Nakahinga nang maluwag ang fans at mga miyembro ng OG mismo nang ideklara nila matapos ang tatlong araw na makakasabak sa taunang Dota 2 world championship si Ceb.

OG, BMW Esports ipinagdiwang si Ceb sa isang video

OG x BMW Esports video tribute kay Ceb
Credit: BMW Esports/OG

Para ipagdiwang ang pagbabalik ng tanyag na manlalaro, naglabasang OG, sa tulong ng BMW Esports, ng isang video kung saan kinwento ang paglalakbay ni Ceb at ng kanyang pamilya ngayong taon.

Ipinanganak na half-Lebanese at half-French, tumira si Ceb sa Lebanon hanggang 2006 nang sumiklab ang gera sa bansa at kinailangang lumikas ng kanyang pamilya.

Bilang isa sa pinakamahusay sa buong mundo ay nangangahulugan sa mas maiksing oras na kasama ang pamilya at ito ang natutunan ni Ceb sa maiksing video.

 “Family means everything, these are the moments I live for. I hope one day to have more of these,” salaysay niya.

Tampok din sa video ang mga pinagdaanan ng OG sa kabila ng online tournaments, at ang iba’t-ibang resulta nila sa nakalipas na dalawang taon.

Samantala, magsisimula ang TI10 sa ikapito ng Oktubre.


Alamin kung paano nakapasok ang ibang koponan sa The International 10 sa Heroes of the Game documentary hatid ng Foodpanda.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.