Ang isa sa mga pinaka-iconic at pinaka-minamahal na items in-game, ang Cheese, ay laging nakikita sa mga Dota 2 matches.

Mula sa kaniyang mapakumbabang simula bilang in-game consumable patungo sa pagiging isang timeless icon sa TI, ‘wag kang magulat kung makikita mo ito muli sa TI10 ngayong taon.

Pero ano nga ba ang meron sa Dota 2 consumable na ito na napaka-espesyal?

Paano makuha ang Cheese sa Dota 2? 

Cheese, Dota 2
Screenshot ni Danelie Purdue/ONE Esports

Ang Cheese sa Dota 2 ay isang in-game item na makukuha lamang pag napaslang mo na ang halimaw na si Roshan. 

Kapag nakuha mo na ito, maari mo na itong kainin kaagad para maibalik ang health at mana mo, o maari mo itong ibenta para sa kaonting Gold. Ang mga players na may hawak ng consumable na ito ay may malaking advantage sa kompetisyon.

May lore na nakakabit dito 

Bago ka pa mag-isip ng kung ano-ano, hindi 100% ginagawa ni Roshan ang Cheese.

Ang consumable na ito ay gawa ng gatas mula sa nawawalang Furbolg vendor.

Ang Furbolg ay ang dating pangalan para sa mga Hellbears! Ang mga old-school Dota palyers lang ang makakaalala na ang Hellbear camp ay dating tinawag na Furbolg camp.

Dahil diyan, nakakatulong lang siguro si Roshan sa aging ng Cheese, pero sino nga bang nakaalam?

Cheese, Dota 2
Screenshot ni Danelie Purdue/ONE Esports

Ang all-star Cheese ng The International 

Maliban sa pagiging isang in-game item, may history din ang Cheese sa The International kasama ang pinagaagawang Aegis.

Simula ng The International 4 noong 2014, ito ay ibinibigay sa mga winning team ng mga all-star match, isang community event kung saan binoboto ang mga players sa mga all-star teams ng mga fans para maglaro ng mga kasiyahang matches.

Maraming alala at kasaysayan ang TI Cheese 

Ang iilan sa mga iconic moments ng all-star Cheese ay noong malakas na nangako ang Malaysian TI champion na si Wong “ChuaN” Hock CHuan na kakainin niya ito kaysa na iwui niya ito – isang pahayag na naukit sa mga Dota 2 history books.

Syempre hindi natin malilimutan ang pagnakaw nito ng Dota 2 legend na si Danil “Dendi” Ishutin mula sa Chinese panel sa TI9. 

Maaring sabihin ng iba na puro lang ito kalokohan, ngunit parte ito ng esports history na hindi malilimutan ng mga matatagal na Dota fans, at ang tradisyong ito ay dapat ituloy sa pagdating ng TI10.

Nakikita ng karamihan na isang katuwaang premyo ang Cheese, minsan isa pang biro, ngunit may sense ba ang napaka-epic at unique na item tulad ng Divine Rapier?

Ang all-star Cheese ay sagisag ng lahat ng mga magagandang bagay sa Dota 2

Mas higit pa ito sa pagiging isang tropeo lamang. 

Hindi mo maaring bilhin ito sa isang regular match ng Dota 2. Para makuha ito, kailangan mong pahirapan ito kasama ang iyong mga teammates para mapatumba si Roshan habang nilalabanan ang team ng kalaban.

Ito rin ang isa sa mga maaring paghatian na items sa laro, at magiging matagumpay lamang ang isang team kung sila ay nandiyan para sa isa’t-isa.

Nirerepresenta din ito ang lahat ng mga fun times sa paglalaro ng Dota 2 dahil kung kinasusuklaman natin ang larong ito tulad ng mga sinasabi natin, hindi na natin ito lalaruin pa.

Cheesy man, pero ‘yan ang totoo. 

Gusto mo pa makakita ng Dota 2? Panoorin ang Heroes of the Game documentary ng foodpanda.