Sa mga pinakamalalang lose streak, maaaring mabawasan ang sakit sa pamamagitan ng magandag cosmetics para sa paborito mong Dota 2 hero. Kaya naman nilabas kamakailan ng Valve ang Chest of Endless Days.
Tampok sa treasure drop na ito ang 13 bagong hero sets kabilang na ang pinakaunang set para sa isang persona—ang Acolyte of the Lost Arts ni Invoker. Ang mga manlalarong hindi nagmamay-ari ng persona ay maa-unlock ito kasama ang bagong set.
Ang mga chest ay random na malalaglag habang naglalaro ka ng matchmaking games kasama ang mga susi na kailangan para mabuksan ang mga ito, katulad sa Diretide event noong nakaraang taon.
Maaaring ibenta at bilhin ang Chest of Endless Days sa community market, at bawat susi naman ay nagkakahalagang US$ 2.49 (PHP 136.46).
Kani-kaninong heroes ang mga set na nasa Chest of Endless Days?

May sumatotal na 13 sets sa naturang treasure na para sa mga sumusunod na heroes:
- Luna
- Templar Assassin
- Weaver
- Nature’s Prophet
- Viper
- Drow Ranger
- Wraith King
- Pangolier
- Winter Wyvern
- Lycan
- Witch Doctor (rare)
- Hoodwink (very rare)
- Invoker (ultra rare)
Ang ultra rare item sa Chest of Endless Days ay ang Heir of Menace, ang set para sa Kid Invoker persona.
Dahil dito, may posibilidad na magkaroon din ng ekslusibong cosmetic items ang mga popular na persona tulad nila Anti-Mage, Pudge, Dragon Knight at Mirana.
Para sa Dota 2 news, guides at highlights, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito’y pagsasalin ng orihinal na akda ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.