Inamin ni Marvin “Boomy” Rushton na malaki ang naitutulong ni Chai “Mushi” Yee Fung sa TNC Predator bilang coach ng koponan para sa The International 2021 Southeast Asia Qualifier.
Sa isang interview matapos ang tagumpay ng all-Filipino team sa unang round ng upper bracket, naitanong ng host na si Nat “natTea” Mahoney kay Boomy kung kumusta nga ba ang tanyag na manlalaro bilang coach.
“It’s been really easy. He’s like an easy-going guy. He has been helping us so much, especially on my part, he’s been helping me so much,” sagot ng kapitan ng TNC Predator.
Coach Mushi, TNC Predator wagi vs Team SMG
Kasalukuyang nakikipagbakbakan ang TNC Predator para makuha ang nag-iisang tiket ng rehiyon papunta sa taunang Dota 2 championship, at Team SMG ang naging unang balakid sa kanilang minimithi.
Naging matunog ang pangalan ng Team SMG, na dating koponan ni Mushi, bago magsimula ang qualifiers. Idinagdag kasi nila sa kanilang roster ang dating Fnatic midlaner na si Kam “Moon” Boon Seng, at ibinida rin ang paglipad ni Damien “kpii” Chok para makapaglaro sa mas mababang ping.
Sa kabila nito, nagawa pa rin lampasan ng mga Pinoy ang Malaysia-based squad, sa score na 2-1, upang simulang ang kanilang kampanya sa regional qualifier.
Bakas sa pinakitang laro ng Cebuano player sa best-of-three serye ang naikwento nyang tulong ni Mushi at pagbabago sa kanilang istilo ng paglalaro. Sa parehong panalo kasi ng kanyang koponan, nakapagtala ng game-high assist ang kanyang Phoenix sa bilang na 17.
Nagsalitan din sa pagpapakitang-gilas ang carry at mid ng Dota Pro Circuit 2021: Season 2 – Southeast Asia Upper Division runner-up. Sa unang mapa, umi-score ang Spectre ni Kim “Gabbi” Villafuerte ng 11 kills at 15 assists nang hindi namamatay. Puck naman ni Armel “Armel” Tabios ang nagbuhat sa rubber match matapos magpaulan ng 13 kills at 12 assists kontra dalawang deaths.

Dahil sa panalong ito, nakahakbang papalapit ang TNC Predator sa ikalawang round ng upper bracket kung saan haharapin nila ang pambato ng Indonesia na BOOM Esports mamayang 8:00 p.m.
Mapapanood ang official English broadcast ng TI10 SEA Qualifier sa mga sumusunod na Twitch channels ng BeyondTheSummit: