Ngayong dumako na sa kongklusyon ang The International 10, nagsimula na ang Dota 2 community na maghaka-haka tungkol sa mga magaganap na pagbabago sa mga roster ng mga teams.

Isa si Andreas “Cr1t-” Nielsen ng Evil Geniuses sa mga nauna ng bumasag sa mga ispekulasyon tungkol sa roster shuffle patungkol sa kaniyang kupunan.

Matatandaang isa sa mga nagsimula ng mga diskusyon tungkol sa roster changes ang TI5 champion at dating EG captain na si Peter “ppd” Dager.

Credit: ppd

Sa isang tweet, binaggnit niya na dapat palitan ng players mula sa Quincy Crew na sina Quinn” Callahan and Rodrigo “Lelis” Santos ang mga Southeast Asian players na sina Abed “Abed” Yusop at Daryl “iceiceice” Koh.

Cr1t- dinepensahan si Abed, sinabing ‘he is the best midlaner in the world’

Credit: Valve

Tinalo ng Vici gaming ang Evil Geniuses, 2-1 sa Day 3 ng Ti10 Playoffs. Sa kaniyang pagbabalik sa stream matapos ang torneyo, rinatrat ng mga fan messages si Cr1t- na tinatanong kung papalitan ba ang Filipino pro na si Abed “Abed” Yusop sa midlane bago magsimula ang 2022 DPC season.

Tinugunan ni Cr1t- ang tanong ng isa sa kaniyang mga Twitch viewers na nagklaro sa usaping ito. “I mean, it just makes no sense. Abed is literally like the best midlaner in the world. There’s no doubt in my mind about that. There is no way we would part ways with him.”

“I’m sorry to tell you but the way you guys feel about our team has no impact on our actual roster. Your opinion doesn’t matter at all,” pagtutuloy niya.


Kampanya ng Evil Geniuses sa 2021 DPC Season

Credit: Evil Geniuses

Isa ang EG sa mga paboritong team papunt ng TI10 matapos maging numero uno sa listhan ng pinakamataas na DPC Points sa 2021 season.

Nagtapos naman sila sa sixth place sa Group A ng TI10 group stage na may 9-7 reconrd.

Rumibanse ang star-studded na NA team sa lower bracket nang ilaglag nila ang Elephant sa BO1.

Gayunpaman, nagtapos ang 2021 DPC season ng Evil Geniuses matapos kapusin kontra Vici Gaming sa sumunod na lower bracket match, 2-1. Pumwesto sa 9th-12th place ang huling NA team sa torneyo at nag-uwi ng US$800,400.

Matapos ang di pinalad na kampanya sa TI10, magaspang na mga komento mula sa kanilang fans ang bumubuyog sa kupunan na nagtulak din sa mga haka-haka tungkol sa roster shuffle.

Sa pagtatapos ng 2021 DPC season, inaasahang maraming pro ang lilipat ng ibang mga organisasyon sa Dota 2 offseason.

Pagsasalin ito sa sulat ni Nigel Zalamea ng ONE Esports.