Pinakilala kamailan lamang si Dawnbreaker sa Captain’s Mode ng Dota 2 patch 7.30c, hindi pa nakaka-isang buwan bago maguumpisa ang The International. Hindi pa nito binigya ng sapat na oras ang mga teams para alamin ang mga best Dawnbreaker counters.

Simula noong siya ay nilabas, napili o na-ban ang hero na ito 58 times sa BTS Pro Series Season 8. Ngunit kahit na ipinakilala si Dawnbreaker sa kalagitnaan ng tournament, siya ay na-contest nang mahigit sa 70% ng hero pool.

Maiintindihan ng karamihan kung bakit isang valued pick si Dawnbreaker ngayon. Ang hero na ito ang kahulugan ng flexibility, dahil maari siyang laruin sa parehas na support at core role sa laro. Dahil sa kaniyang maraming stuns, heals, at mobility spells, tiyak na pipiliin si Dawnbreaker.

Bagamat maraming kagamitan si Dawnbreaker, mayroong mga heroes na maari siyang talunin.

Ito ang best Dawnbreaker counters sa Dota 2

  1. Silencer 
Silencer, Dawnbreaker counter
Credit: Valve

Si Silencer ang best Dawnbreaker counter sa Dota 2. Si Silencer ay mayroong 57% win rate kung pipiliin ng kalaban si Dawnbreaker, at halata naman kung bakit.

May malakas na two-hit combo si Silencer, ang Arcane Curse at Last Word. Ang Arcane curse ay nagpapabagal at nakakadulot ng damage sa mga kalaban na heroes, at nagdudulot pa ito ng mas matinding damage kung sila ay silenced. Ang Last Word ay may kakayahan mag-silence ng kalaban kung gagamit sila ng spell o matapos ang apat na segundo, ito ay mag-eexpire.

Mahirap na combo ito para kay Dawnbreaker. Kailangan niya gumamit ng kaniyang spells para maging isang threat, at pinaparusahan siya ni Silencer bilang ang kaniyang counter.

Ang Global Silence ang pang-counter ni Silencer sa ultimate ni Dawnbreaker. Kung kailan ginagamit ni Dawnbreaker ang kaniyang Solar Guardian para ma-heal ang kaniyang kakampi at para ma-teleport sila, maaring mapigilan ito ni Silencer gamit ang isang button kahit saan sa mapa.

Ang kakayahan ni Silencer parusahan si Valora sa lahat ng stages ng laro at gawing walang silbi ang kaniyang mga spells ay ang naging rason kung bakit siya ang best Dawnbreaker counter ngayon.

  1. Jakiro 
Jakiro, Dawnbreaker counter
Credit: Valve

Si Jakiro ay isa pang Dawnbreaker counter, ngunit iba ang kaniyang silbi kung paano niya talunin si Valora.

Habang maaring ma-harass ni Silencer si Valora sa laning stage, si Jakiro ay mas bigatin kalabanin sa unang parte ng laro. Ang Dual Breath ni Jakiro ay nagdudulot ng malupet na damage at nakakabagal din ito, kaya napanghihinaan ng loob si Dawnbreaker na makipag-bakbakan sa kaniya.

Maari rin pabagalin ni Jakiro ang enemy attack speed at gawin itong crawl, kaya nagmumukhang walang silbi na ang Luminosity sa kaniya. 

Ang Ice Path ay isa pang tinik na kailangan tanggalin ni Dawnbreaker. Gumagawa ito ng wall na puro yelo na maaring mag-stun sa kahit sino mang humawak nito. Dahil ang kit ni Dawnbreaker ay nakasalalay sa kaniyang pag-galaw sa mga team fights, ang Ice Path ang perpektong counter para dito.

Katulad ng Silencer, si Jakiro ay isa ring long-range spell caster, kaya mahihirapan si Valora na habulin siya sa mga labanan. Kung makalapit man si Dawnbreaker, isang tanky boy si Jakiro, at hindi siya matutumba nang basta-basta. Dahil diyan, siya ang second-best Dawnbreaker counter sa Dota 2.

  1. Underlord 
Underlord, Dawnbreaker counter
Credit: Valve

Sa isang core na posisyon, wala nang mas malupet na Dawnbreaker counter kundi si Underlord sa offlane.

Ang pinakamalaking selling point ni Underlord bilang isang Dawnbreaker counter ay ang Pit of Malicem, na kung saan mapipigilan niya si Valora na magkaroon ng kalayaan sa mga team fights. Parang Ice Path ang Pit of Malice, ngunit ito ay isang pabilog na AoE kaysa sa isang linya.

Hinahayaan nito pigilan ni Underlord ang Starbreaker at Celestial Hammer tulad ni Jakiro. Maari ring mapigilan ni Undrlord si Dawnbreaker na makatakas gamit ang Solar Guardian sa pamamagitan ng paghuli niya dito, at dahil diyan, siya ay nagiging easy kill.

Nakakadulot din ng matinding damage si Underlord kay Dawnbreaker gamit ang Atrophy Aura. Dahil si Valora ay nagdudulot ng pinaghalong physical at magical damage, ginagawang walang silbi ng Pipe of Insight ni Underlord ang mga damage ni Valora. 

Ang ultimate ni Underlord ay nag-teteleport sa kaniya at sa mga malalapit na kakampi sa kahit anong allied tower o creep sa mapa, at ito ay isang magandang sagot sa global presence ni Dawnbreaker. Mag-ingat lang kung ikaw ay gagamit ng Dark Rift.

Ang pagdagdag ni Dawnbreaker sa Captain’s Mode ay mangangahulugang mas maraming players ang makakasubok sa kaniya. Ang pag-alam ng iilang Dawnbreaker counters ay magiging importante para patumbahin siya at makaakyat sa MMR ladder.