Inanunsyo ng Fnatic na opisyal nang kabilang si Yang “Deth” Wu sa kanilang Dota 2 roster. Sya ang kukuha ng offlane position, kung kaya’t si Ng “ChYuan” Kee Chyuan ay malilipat sa midlane role.

Naging bukas ang posisyon na ito ng Southeast Asian team matapos malipat sa kanilang inactive roster si Kam “Moon” Boon Seng.

Nagbigay ito ng pagkakataon upang makabalik si ChYuan sa kanyang original role, na ginamapanan nya sa malaking bahagi ng kanyang career.

Ang pagbabalik ni Deth sa Dota 2 scene

Dota2 ONEsports Neon Deth at SingaporeMajor
Credit: ONE Esports

Nag-compete si Deth noong 2014 at nakapaglaro sya sa iba’t ibang esports teams sa kahabaan ng kanyang career. Nagpalipat-lipat sya sa mga teams tulad ng compLexity Gaming, Resurgence, at Galaxy Racer.

Nakakuha ng malaking break si Deth noong ONE Esports Singapore Major, kung saan pinalitan nya si Rafael “Rappy” Sicat Palo ng OB.Neon na hindi pinayagang maglaro matapos mapag-alamang nagkaroon sya ng contact sa isang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Buti na lang at na-contact agad ng OB.Neon team captain na si Andrei Gabriel “skem” Ong si Deth upang mag-stand-in para sa Group Stage.

https://www.facebook.com/ONEEsports/videos/1106820816411862/

Nakapasok ang OB.Neon sa Lower Bracket Playoffs sa isang Cinderella run kung saan inilaglag nila ang Fnatic at Vici Gaming sa tulong ni Deth.

Na-eliminate sila sa ONE Esports Singapore Major matapos ang matinding pakikipaglaban sa Team Secret sa Lower Bracket Quarterfinals.