Kung kabisado mo ang mga emoticons, maaring mababasa mo ang Dota 2 7.34 patch notes.  

Ang pinangakong Dota 2 7.34 patch ay paparating na, at nakakuha tayo ng preview mula sa isang post na puro emojis, na inilabas ng Valve.



Ibig sabihin ng つ ◕_◕ ༽つ: Naintindihan mo ba ang Dota 2 7.34 patch notes? 

Dota 2 7.34 patch notes
Credit: Valve

Habang maaring mabasa ng isang beteranong player ang Dota 2 7.34 patch notes na ito, ang iba ay walang kaalam-alam.

Kasalukuyang sinusubukan unawain ng Dota 2 community ang patch notes, kung saan ang iba ay inalam ang ibang notes para sa mga heroes tulad ni Invoker at items tulad ng Monkey King Bar.

Credit: Valve

Asahang makakita ng mga adjustments sa drafting order ng Captain’s Mode, at marami pang ibang pagbabago sa mga items at heroes bago ang The International 12 qualifiers.

Kalaunan ay inilabas ng Valve ang teksto ng buong Dota 2 7.34 patch notes. Maaari niyo itong mabasa sa link na ‘to.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Dota 2.

BASAHIN: Ano ang Universal Heroes sa Dota 2 at sino-sino ang mga ‘to?