Magdiwang, mga Dota 2 fans! 

Nakaranas ang ating paboritong laro ng kaniyang pinakamalaking player base growth sa loob ng 31 na buwan, ayon sa bagong Steam charts.

Nakakuha ito ng 59,000 na panibagong players. Ang October ang best month ng laro simula February 2019 sa kaniyang overall na pagtaas ng 15%. Ito ay isang kahanga-hangang pagtaas para sa isang laro na mahigit isang dekada na ang edad.

3 rason kung bakit nakaranas ng matinding growth ang Dota 2 noong October

  1. Dahil sa The International 10 (TI0) 
Dota 2
Credit: ONE Esports

Ang The International 10, ang pinakamalaking esport tournament sa kasaysayan, ay ginanap noong October 7 hanggang 17. Ito ang pagtatapos ng 2021 DPC season at mayroon itong tumataginting na prize pool na USD$40 million.

Nakita sa TI10 ang mga iba’t-ibang kakaibang storylines, tulad ng Cinderella run ng Team Spirit, ang pangingibabaw ng PSG.LGD, ang pagpapakita ni Puppey sa The International, at marami pang iba.

Nagkaroon din ng pinakamataas na viewership ang TI10 kumpara sa lahat ng iba pang Dota 2 tournaments. Sa kaniyang 2.7 million viewers sa lahat ng platforms, tiyak na nakabuo ito ng interes sa gaming community, kaya tumaas ang player base growth noong October.

  1. Marci mula sa Dota: Dragon’s Blood ay ipinakilala sa laro 
Credit: Valve

Hindi na sikreto na ang pagpakilala ng mga bagong heroes ang isa sa pinakamagandang paraan para makaakit ng bagong players sa isang laro, at iyon ang ginawa ng Dota 2 sa paglabas ni Marci.

Unang pinakilala sa Dota: Dragon’s Blood anime ng Netflix, si Marci ay isa nang playable hero sa laro at naging matagumpay ito, dahil mayroon siyang 74% pick rate sa pubs. Si Pudge, ang most picked hero, ay may 24-28% pick rate lamang.

Dahil sa kaniyang kapangyarihan, si Marci ay isa pang rason kung bakit tumaas ang player base ng laro noon October. 

  1. Nilabas ang bagong Dota 2 patch 7.30e noong October 
Credit: Valve

Ang dating Dota 2 patch 7.30d ay itinuring balanced sa pangkalahatan, maliban lang pagdating sa mga heroes tulad ni Tiny at Magnus. Matapos makita kung paano ito itinuring ng mga pros ang patch na ito, kinati ang mga Dota 2 players ng bagong update para ma-balanse ang laro matapos ang TI10.

Lumabas ang Dota 2 patch 7.30e noong October 29, at kasama nito ang iilang tweaks sa laro. Nakatanggap ng kinahihintay na nerfs ang mga overpowered heroes, habang ang mga heroes na wala sa TI10, tulad ni Spirit Breaker, ay nakatanggap ng lambing mula sa IceFrog.

Habang kailangan pa ng tweaks ni Marci, mas balanse na ang Dota 2 ngayon, at nahihiyakat nito na mag-invest ang mga players sa laro.

Gusto mo pa ng aksyon sa Dota 2? Panoorin ang Heroes of the Game documentary na inihatid ng foodpanda.