Fast internet connection? Check. 

Big TV screen? Check. 

Snacks at drinks? Check. 

Nakita mo na ang listahan ng The International 2021 (TI10), at ang natitira nalang ay ang simula ng show.

Bago natin mapanood ang lahat ng aksyon sa TI10, panoorin muna natin ang lahat ng mga best moments at highlights sa mga nakaraang Dota 2 tournaments. Mula sa iconic Pudge fountain hook ni Danil “Dendi” Ishutin patungo sa “call of his lifetime” ni Sébastien “Ceb” Debs, ito ang pinakamagandang Dota 2 documentaries na panoorin habang nagaantay ka para sa TI10.

Ang 3 best Dota 2 documentaries na dapat mong panoorin bago magumpisa ang TI10

3. Mag-reminisce sa iyong unang TI (2011) kasama ang “Free to Play” 

Free to Play, Dota 2 documentary
Credit: Valve

Year released: 2014 
Running time: 1h 15m 
Available sa: Netflix, Valve YouTube channel 

Nagsimula ang lahat sa Cologne, Germany, kasama ang mga forerunners ng Dota 2 esports.

Ang documentary ng Valve na “Free to Play” ay nagpapakita sa storya ng kaunaunahang The International tournament noong 2011, at mapapanood mo dito ang journey ng mga Dota 2 legends na sina Benedict “hyhy” Lim, Clinton “Fear” Loomis, at Dendi.

Pinakita din sa documentary na ito ang mga unang araw ng esports, bago pa man naging isang multi-million dollar tourney ay Dota 2.

Kung naghahanap ka ng isang time machine na dadalhin ka sa mga good ‘ol days ng Dota 2 esports, ang “Free to Play” ang para sa’yo.

2. Laging inaabangan ng mga fans ang labas ng “True Sight” Dota 2 documentaries kada taon

True Sight, Dota 2 documentary
Credit: Valve Corporation

Years released: 2016 — 2019 
Available sa: Valve YouTube channel 

Pagdating sa mga Dota 2 documentaries, walang hihigit pa sa kasikatan ng “True Sight” na serye.

Ang “True Sight” ay isang serye ng documentaries na ginawa ng Valve. Pinapakita nito ang mga naratibo ng lahat ng mga teams at players na lumalahok sa Dota 2 tournaments.

Tinatahi ng “True Sight” ang mga storylines para sa lahat ng mga Dota 2 fans – ang kanilang mga paghihirap, mga katuwaan – lahat nandito.

“True Sight” Dota 2 documentaries 

Mayroong total na apat na “True Sight” Dota 2 documentaries na available sa publiko. Ito ang lahat ng episode ng serye: 

YEAR RELEASED DOTA 2 DOCUMENTARIES TEAMS FEATURED 
2017 True Sight: The Kiev Major Grand Finals OG Esports, Virtus.pro 
2017 True Sight: The International 2017 Newbee, Team Liquid 
2018 True Sight: The International 2018 OG Esports, PSG.LGD 
2019 True Sight: The International 2019 OG Esports, Team Liquid 

Sina Johan “N0tail” Sundstein at Ceb ng OG Esports ang totoong bida ng show, matapos nilang lumabas sa tatlong episodes ng documentary series na ito.

Makikita pa ba natin ang OG Esports sa pang-limang episode ng True Sight? 

Dagdag pa diyan, kung ikaw ay isang myembro ng #DreamOG squad, maari mong mapanood ang sariling “Against All Odds” documentary ng OG Esports starring ang kanilang mapaghimalang player roster N0tail, Ceb, Topias Miikka “Topson” Taavitsainen, Anathan “ana” Pham, at Jesse “JerAx” Vainikka.

1.Dadalhin ka ng “Heroes of the Game” sa pinakaunang Dota 2 Major bago pa dumating ang COVID-19

Heroes of the Game, Dota 2 documentary

Year released: 2021 
Available on: ONE Esports YouTube channel 

Lumala ang mga market at insitusyon dahil sa COVID-19 pandemic, at hindi nagbubukod ang esports industry dito.

Silipin ang kalagayan ng esports habang may pandemic sa “Heroes of the Game”. Ang two-part documentary na ito ay maghahatid sa mga fans pabalik sa ONE Esports Singapore Major na naganap noong nakaraang taon.

Ang “Heroes of the Game” Dota 2 documentary ay isang perpektong pelikula para panoorin bago magumpisa ang TI10. Na-recap dito kung paano nagsimula ang Dota 2 esports scene noong taon bago ito sumailalim sa mahabang hiatus. 

Mula sa storya ng last-minute savior ng OB.Neon na si Yang “Deth” Wu Heng patungo sa storya ng epic question mark ni Zhou “Emo” Yi ng Invictus Gaming, tiyak na mag-eenjoy ka sa “Heroes of the Game.”

Gusto mo pa ba makakita ng Invictus Gaming action? Panoorin ang team sa Heroes of the Game documentary.