Binubuo ng Dota 2 DPC ang Regional Leagues at Majors kung saan lalahok ang mga Dota 2 teams para maka-secure ng kanilang spot sa The International.

Inupdate ng Valve ang format para sa paparating na Dota 2 2022 DPC season. Ito ang tatlong pinakamalaking pagbabago na dapat asahan ng mga Dota 2 fans.

Ang tatlong pinakamalaking pagbabago sa Dota 2 DPC sa paparating na season

Dota 2 DPC
Credit: Valve

3. Magbibigay na ang mga Majors ng mas maraming DPC points kaysa sa Regional Leagues

Noong 2021 DPC season, nagbigay ang bawat Regional League ng 500 points sa mga first-place finishers, parehas sa mga natanggap ng mga nanalo sa Dota 2 Majors. 

Binago na ng Valve kung paano ipapamahagi ang mga points para magbigay diin sa performance ng teams sa The International stage, at binawasan ang halaga sa Regional Leagues.

PLACEMENT 2021 DPC POINTS ALLOCATION 2022 DPC POINTS ALLOCATION 
1st 500 300/400/500 
2nd 300 180/240/300 
3rd 200 120/160/200 
4th 100 60/80/100 
5th 50 30/40/50 
6th 
7th 
8th 

Ganito ang mga pagbabago na mangyayari sa pagbigay ng points sa Majors sa paparating na Dota 2 season.

PLACEMENT 2021 DPC POINTS ALLOCATION 2022 DPC POINTS ALLOCATION 
1st 500 400/500/600 
2nd 450 350/450/550 
3rd 400 300/400/500 
4th 350 250/350/450 
5th 300 200/300/400 
6th 300 200/300/400 
7th 200 100/200/300 
8th 200 100/200/300 

 
2. Magbibigay ang DPC Tours ng tumataas na points per tour 

Credit: WePlay! Esports

Binubuo ang Dota 2 Tour ng Regional League at ang kaniyang katumbas na Major. Noong 2021 seasons, nagbigay ang bawat Regional League at Major ng parehas na halaga ng points.

Ang ibig sabihin nito ay ang mga teams na maganda ang performance sa dulo ng unang Major ay makakakuha ng slot nila sa TI10, at maaring hindi na nila laruin ang natitirang DPC season kung gusto nila.

Nagsalita ang CEO ng Team Secret na si John Yao tungkol sa issue na ito sa 2021 Dota 2 DPC season, “Once you qualify for TI, I would say the motivation drops off significantly.”

Ang mga naibang points distribution ay mangangahulugan na dapat maganda ang performance ng mga teams sa unang pangalawang Tours para makakuha ng spot sa TI11, dahil ang isang eighth-place finish sa pangatlong Major ay magbibigay sa kanila ng parehas na points sa team na nanalo sa unang Major.

  1. Magkakaroon ng tatlong Dota 2 Majors ngayong season 
Credit: ONE Esports

Di katulad ng 2021 DPC seasons na nagkaroon ng dalawang Majors, ang ONE Esports Singapore Major at WePlay AniMajor, ang paparating na Dota 2 DPC season ay magkakaroon ng tatlong Majors, at tiyak na magbibigay ito ng sapat na aksyon para sa mga Dota 2 fans buong taon.

Inanunsyo din ng Valve na hindi na magkakaroon ng Open Qualifiers para sa TI11. Ang top twelve performing teams ay magkakaroon na ng direct invite sa TI11. Ang mga natitirang best teams sa bawat rehiyon ay lalahok sa isang last chance regional qualifier para sa isang slot sa TI11.

Opisyal na maguumpisa ang Dota 2 DPC season para sa 2022 sa November 29. Maaring tignan ng mga Dota 2 fans ang lahat ng mga pagbabago sa opisyal na website ng Valve.