Natagpuan na ng SG esports ang lineup na isasabak nila sa Dota 2 DPC season at hindi na ito all-Brazilian team, taliwas sa roster noong nakaraang season.
Inanunsyo ng koponan ang kanilang roster changes noong November 13 sa isang post sa Twitter, kasabay ng pagpapangalan sa mga bagong players na mula pa Peru at Argentina.
Nag-recruit ang SG esports ng mga free agents

Mababalikang nakapasok ang SG esports sa katatapos lamang na International 10 (TI10). Ito ay kasabay ng kanilang pagpapabilib sa South America Open Qualifier kung saan nagtala sila ng impresibong 9-2 record sa upper bracket na mas pinatamis pa ng 3-1 pagpapatumba nila kontra Team Unknown.
Bagamat nasakanila ang momentum patungong TI10, hindi nila nagawang ulitin ang kanilang performance dito. Sa kanilang pagkaka-eliminate mula sa group stages, nag-uwi pa rin naman ang koponan ng US$100,00.
Kaya naman sa pagbubukas ng panibagong season, naging aktibo ang organisasyon sa pag-scout ng mga pro players para sa kanilang susunod na tangka sa pinakamalaking Dota 2 event ng taon.
Sa proseso, nakahanap sila ng mga bagong miyembro na kakatawan para sa kanilang team ngayong season:
SG Esports Dota 2 roster for 2022 DPC
- (1) Danilo “Arms” Silva
- (2) Eliseo “kxy” Arancibia
- (3) Lucas “Hyko” Morais
- (4) Artur “LTH” Henrique Lauth
- (5) Nicolás “Wij” Moreno
Unang sasabak ang lineup na ito sa Division I ng 2022 DPC sa South America.
Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa DPC 2022 Season sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports Philippines sa Facebook!