Nagdala ang Dota 2 patch 7.30c kamakailan ng mga mahahalagang pagbabago upang maihanda ang laro para sa nalalapit na The International 10. Isa itong rebalancing patch na ginawa para matulungan ang ilang hero na maging mas epektibo sa laro.

Ngunit isa sa pinakamahalagang pagbabago na bitbit ng Dota 2 patch 7.30c ay ang update sa pag-stack ng neutral creeps kung saan ang gold at XP bounty na binibigay ng mga stack ay nabawasan ng 15% (hindi naapektuhan ang gold bonus ng stacker).

Bagamat tila maliit lang ito kung titignan, ang 15% reduction sa gold at experience na makukuha mula sa stacked neutral creeps ay malaki ang epekto.


Ano ang stack meta?

Credit: Valve

Sa Dota 2, ang stacking ay tumutukoy sa paghila ng mga neutral creep palabas sa isang camp at pag-spawn ng panibagong set ng mga creep sa parehong camp. Ang mga manlalaro ay pwede mag-stack ng maraming creep sa isang camp at ibigay ito sa kanilang core para ma-farm at makakuha ng sandamakmak na gold at XP.

Ang stacking ay hindi lamang nagbibigay ng alternatibo sa mga core player para mapabilis ang kanilang pagfa-farm ngunit nagbibigay din ito ng 30% ng gold reward sa mga support. Kaya naman ang stacking ay isang mabisang paraan para mag-farm ang buong koponan.

Samakatuwid, ang stack meta ay tungkol sa pagkuha ng ilang hero ng karamihan sa kanilang gold mula sa mga neutral camp. Ang mga hero na ito ay madalas na mahina sa laning stage at maagang team fights pero bumabawi pagdating sa late game.


Ang mga hero na naapektuhan ng nerf sa stack meta sa Dota 2 patch 7.30c

Credit: Valve

Ngayong 15% less ang binibigay na gold at XP ng stacked neutral creeps sa Dota 2 patch 7.30c, mas matagal na ma-hit ng mga farming core ang kanilang power spikes. Ang mga hero tulad nila Sven, Luna at Medusa ay kadalasang umiiwas sa mga clash sa early game hanggang sa makuha na nila ang ilan sa kanilang core item.

Pinupwersa ng nerf na ito sa stack meta na ma-delay ang pag-online ng mga farming core kaya naman ang mga draft na nakatuon sa pagtapos ng isang laro nang maaga ay mas nakakatakot na ngayon.

Sa BTS Pro Series Season 8, ang mga pinakasikat at matagumpay na mga carry ay sila Monkey King, Gyrocopter at Tiny. Ang mga hero na ito ay kayang makipagsabayan sa mga maagang team fight at nag-i-scale din patungo sa late game. Bagamat kaya rin nilang mabilis na mag-clear ng neutral camps, hindi sila umaasa lang sa stack meta para maging isang threat.

Sa ngayon, ang mga farming carry tulad nila Sven, Medusa at Luna ay nakaranas ng mababang win rate sa naturang torneo. Si Sven ay mayroong 33% win rate habang si Luna ay may 30% lamang. Pinakamalala si Medusa na nanalo lamang ng isang beses sa anim na laro na lumabas siya.


Anong klase ng Dota 2 meta ang pwede nating asahan sa The International 10?

Credit: Valve

Hindi mawawala ang stack meta sa kabila ng nerf na dala ng Dota 2 patch 7.30c dahil ang stacking ay isa pa rin sa mga pinakamabisang bagay na pwedeng gawin ng mga manlalaro. Bagamat kapaki-pakinabang pa rin ang stacking, ang mga hero na talagang umaasa dito ay matinding naapektuhan ng patch.

Ang mga koponan na aasa sa mga ultra-late game carry ay haharap sa peligro. Kaya naman ang mga farming carry tulad nila Sven, Luna, Medusa at Spectre ay maaaring bihira lang na makikita sa TI10 samantalang ang mga magagaslaw na carry tulad nila Monkey King at Tiny ang kukuha ng spotlight.

Ang pagbabago na ito sa Dota 2 patch 7.30c ay maaring bigyan tayo ng pinaka-maaksyon na The International.


Ito ay pagsasalin sa Filipino ng orihinal na akda ni Ahmad “Otomo” Alazawi ng ONE Esports.