Parehong Dota 2 roster ng PSG.LGD pa rin ang papasok sa susunod na season ng Dota Pro Circuit sa kabila ng second-place finish nila sa The International 10.

Ayon sa post ng Dota 2 insider na si Tiffani “Oling” Lim, ibibinahagi raw ng general manager ng koponan na si Pan Fei ang desisyon ng mga manlalarong manatili para sa isa pang season.

Credit: Tiffani “Oling” Lim

Ang performance ng PSG.LGD sa TI10

PSG.LGD sa TI10
Credit: Valve

Marami ang umasang PSG.LGD ang mag-aangat ng Aegis of Champions noong TI10. Maging ang stats ni Ben “Noxville” Steenhuisen at carry ng OG na si Syed Sumail “SumaiL” Hassan ay pumabor sa Chinese powerhouse.

Pinatunayan naman ng koponan ang pananaw na ito matapos nilang pangibabawan ang malaking bahagi ng turneo. Sila ang hinirang na top seed ng Group B at inararo rin nila ang lahat ng nakakalaban sa upper bracket papunta sa grand final ng Dota 2 world championship.

Hinarap nila sa best-of-five ang Team Spirit, na nagwagi sa iskor na 3-2.

Dota 2 roster ng PSG.LGD
Credit: Valve

Sa kabila ng kabiguan nilang ito, nagpasalamat pa rin ang midlaner ng koponan na si Cheng “NothingToSay” Jin Xiang sa mga sumuporta sa kanila.

Nagpaliwanag din ang offlaner nilang si Zhang “Faith_bian” Ruida na ang desisyong palagpasin ang kinatatakutang Magnus ng kalabang si Magomed “Collapse” Khalilov ay sinangayunan ng buong koponan at hindi lang ng coach nilang si Zhang “xiao8” Ning.

“I love myself and my team. Thanks again for all your concerns,” saad ni NothingToSay bilang pamamaalam.

Ang Dota 2 roster ng PSG.LGD sa susunod na DPC season

  • (1) Wang “Ame” Chunyu
  • (2) Cheng “NothingToSay” Jin Xiang
  • (3) Zhang “Faith_bian” Ruida
  • (4) Zhao “XinQ” Zixing
  • (5) Zhang “y`” Yiping
  • (coach) Zhang “xiao8” Ning

BASAHIN: Post-TI10 Roster Shuffle: ChYuan at Deth free agents na