Bubuuin ng pamilyar at bagong muka ang roster ng Xtreme Gaming para sa susunod na tour ng Dota Pro Circuit China 2021/22 Division I.
Kinuha kasi ng organisasyon ang beteranong si Ren “old eLeVeN” Yangwei, na huling naglaro para sa Vici Gaming, at si Lou “lou” Zhen, na naglaro para sa YBB Gaming—na binalagbag ang Xtreme sa isang laban noong nakaraang buwan sa DPC. Ito ay inanunsyo sa Weibo account ng koponan.
Pupunan ni old eLeVeN ang offlane habang hard carry naman ang lalaruing posisyon ng baguhang manlalaro. Samantala, sina Wang “J” Wenjun at Sun “Srf” Runfa, ang mga manlalarong pinalitan nila sa mga nasabing posisyon, ay nalipat sa inactive role.
“Nagpabilib si Lou bilang baguhan sa eksena at nakapagpakitang-gilas noong panahon niya sa YBB. Maraming fans ang bumilib sa malakas niyang performance,” sulat ng Xtreme sa kanilang announcement na sinalin ng ONE Esports.
Sa kabilang banda, subok na ang husay ni old eLeVeN. Puring-puri rin ng kanyang bagong koponan ang kanyang tikas sa lane at kakayahang maglagay ng pressure sa mapa.

Na-promote ang Xtreme Gaming, kasama ang Team MagMa, sa Division I ng DPC CN matapos magtala ang parehong koponan ng 5-2 win-loss record. Kahit sa kanila lang nanggaling ang nag-iisang panalo ng CDEC Gaming, nagawa pa ring mangibabaw ng koponan para ma-promote sa mas mataas na dibisyon.
Roster ng Xtreme Gaming para sa DPC CN Tour 2
- Lou “lou” Zhen
- Zhang “Paparazi灬” Chengjun
- Ren “old eLeVeN” Yangwei
- Xiong “Tank”‘ Jiahan
- Ding “Dy” Cong
Blockbuster ang roster change ng Xtreme gaming pagkatapos ng The International matapos nilang kunin ang mga dating miyembro ng Elephant na sina Zhang “Paparazi灬” Chengjun, pati na rin ang support duo na sina Ding “Dy” Cong at Xiong “Pyw”‘ Jiahan.
Sa pagpasok ni old eLeVeN sa roster ng Xtreme Gaming, apat na manlalaro na nila ang dating naglaro para sa Vici Gaming.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.