Tampok sa bagong Dota 2 update ang ilang updates sa limited-time event na Aghanim’s Labyrinth at bagong sets na hatid ng Collector’s Cache, kasama na ang paboritong Ogre Magi set.

May exclusive reward na dinagdag sa Aghanim’s Labyrinth, kasama ang buffs sa mga hero. Dahil dito, tila mas marami na ang mga hero na pwedeng gamitin.

Ogre Magi set na naka-Jakiro onesie, bumida sa Aghanim’s Collector Cache

Ogre Magi set na naka-Jakiro onesie
Credit: Valve

18 iba’t-ibang set ang available sa bagong Collector’s Cache at isa na dito ang rare na Ogre Magi set na nagko-cosplay bilang Jakiro.

Ayon sa update, ang Ogre Magi set ay nakalikom ng 362,974 votes mula sa community. Ito ang pangalawa sa pinakamaraming boto, sumunod sa nangunang Chaos Knight set na nakakuha ng 366,364 votes.

Kasama rin bilang rare set ang dragon-inspired mount para kay Chaos Knight at a la gladiator para kay Phantom Assassin.

Para sa mga Battle Pass owners, may kaakibat na 36 levels ang pagbubukas ng 15 treasures. Tumataas din ang odds para sa mga rare na set kada treasure na bubuksan. Pwede ring i-recycle ang mga set na ‘di mo trip para sa two levels.

Nagkakahalaga ang bawat treasure ng ₱125. Lahat ng makukuhang items ay untradable at unmarketable, puwera sa ultra rare set ni Phantom Assassin.

Maaaring makuha ang Ogre Magi set mula sa Collector’s Cache hanggang sa matapos ang Battle Pass sa ika-23 ng Pebrero.

Makikita ang lahat ng sets dito.

Bagong Aghanim’s Labyrinth reward; mga cheese strategy, tinanggal

Aghanim’s Labyrinth update, Ogre Magi set na naka-Jakiro onesie, tampok sa bagong Dota 2 update
Credit: Valve

‘Di na gagana ang mga cheese strategy dahil sa bagong update. Kabilang na dito ang kay Phantom Lancer kung saan pwede abusuhin ang kanyang mga atake kahit nasa labas na ng aggro radius.

‘Di na rin pwede i-drop ang Boots para i-pickup nang naka-courier form para makapag-boost sa loob ng trap rooms. Tinanggal na rin sa shop ang monster-only items gaya ng malaking Meteor hammer.

Pero bilang pambawi, ni-nerf naman ni Valve ang ilang kalaban at binigyan ng buff ang mga kakampi. Ni-nef din ang mga rooms gaya ng Lifestealer/Grimstroke, Alchemist, at Bane/Night Stalker. May bagong legacy rooms din para sa Magician difficulty at pataas.

Pinabilis rin nang bahagya ang movement speed sa mga trap rooms mula 350, ngayon ay 360 na.

Binuff din ang karamihan sa Aghanim’s Labyrinth heroes

Bukod kina Juggernaut at Queen of Pain, na karapat-dapat na i-nerf, nakatanggap naman ng buff ang lahat ng Aghanim’s Labyrinth heroes.

0.75 seconds, imbis na isang segundo, ang duration ng Blade Fury na naka-minor shard, kaya mas mahirap nang buuin ang perma-spin build. Para naman sa Haunting Echoes shard ni Queen of Pain, sa dulo na lang ng Blink magkakaroon ng Scream of Pain, imbis na sa simula rin.

Bagong Aghanim’s Labyrinth reward—Aghanim the Wisest

Aghanim’s Labyrinth update, Ogre Magi set na naka-Jakiro onesie, tampok sa bagong Dota 2 update
Credit: Valve

Pwedeng i-unlock ang exlclusive Aghanim the Wisest courier na ‘to salamat sa bagong update.

Kailangan lang manalo ng at least 11 beses para ma-unlock ang bawat form. Pero dahil random ang distribution, ‘di malabong kailangan mo pang laruin nang mas maraming beses ang Labyrinth. Dahil mukang ‘di naman issue ang difficulty, pwede rin i-farm ang mga panalo sa Apprentice na difficulty, imbis na sa Apex mage.

Matatagpuan ang kumpletong Aghanim’s Labyrinth update dito.

BASAHIN: OB.Neon at Execration mananatili sa DPC SEA Division 1